Sunday Kada, magbabalik sa ere; Lunch Out Loud, mas mataas ang rating sa It's Showtime sa free TV

by Jojo Gabinete
Feb 3, 2021
(Top) The gang of Sunday Kada will resume taping in Boracay from February 12 to February 19; (bottom) TV5's noontime show Lunch Out Loud posted a higher rating than It's Showtime last Monday, February 1.
PHOTO/S: Facebook

Ikinabigla at ikinalungkot ng cast at production staff ng Sunday Kada ang announcement ng Brightlight Productions noong January 16, 2021 tungkol sa pagtatapos ng kanilang sketch comedy-variety show.

Napapanood ang Sunday Kada sa TV5 tuwing Linggo simula noong October 18, 2020.

Panandalian lamang ang kalungkutang naramdaman ng mga artista at staff ng Sunday Kada dahil magsisimula na uli ang taping ng kanilang programa na ibabalik ng Brightlight Productions at muling matutunghayan sa Kapatid Network.

Naghahanda na ang cast at crew ng Sunday Kada sa kanilang taping sa Boracay Island na mangyayari sa February 12 hanggang February 19, 2021.

Ang Brightlight Productions ang producer ng Sunday Kada, Lunch Out Loud, at ng Sunday Noontime Live na nagpaalam din noong January 17, 2021.

Nang biglang tapusin ang Sunday Kada at ang Sunday Noontime Live, nagkaroon ng pangamba ang mga host at production staff ng Lunch Out Loud na baka mawala rin ang noontime program nila.

Continue reading below ↓

Pero wala silang dapat ipag-alala dahil magtutuloy-tuloy ang kanilang noontime variety show sa Kapatid Network.

Masaya ang bumubuo ng Lunch Out Loud dahil mas mataas ang free TV ratings ng show nila kung ikukumpara sa It’s Showtime ng ABS-CBN na napapanood sa A2Z.

Base ito sa Daytime Urban Rural survey ng AGB NUTAM People’s TV Ratings noong Lunes, February 1, 2021.

May 5.7% ratings ang Lunch Out Loud laban sa 4.1% ratings ng It’s Showtime, 3.9% ang ratings ng Happy Time ng Net 25, samantalang nangunguna pa rin at malayo ang agwat ng Eat Bulaga ng GMA-7 na nakakuha ng 36.3%.

AGB NUTAM ratings: A2Z vs GMA shows

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Top) The gang of Sunday Kada will resume taping in Boracay from February 12 to February 19; (bottom) TV5's noontime show Lunch Out Loud posted a higher rating than It's Showtime last Monday, February 1.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results