Rey "PJ" Abellana, matagal nang di nakikita at nakakausap ang anak na si Carla

by Jojo Gabinete
Feb 3, 2021
Rey "PJ" Abellana on daughter Carla Abellana: "As long as nakikita ko, nababalitaan ko na umaandar naman nang maayos ang career ng aking anak, so good enough on my side na malaman ko na masaya siya, na okey ang takbo ng career niya and wala naman problema."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Hindi ipinagkaila ni Rey "PJ" Abellana na matagal na silang hindi nagkikita o nagkakausap ng kanyang anak na si Carla Abellana.

Walang pagtatampo sa boses ni Rey nang mapag-usapan ang sitwasyon nila ni Carla dahil naiintindihan niya umano ang kalagayan ng kanyang 34-year-old daughter.

Naging abala si Carla sa lock-in taping ng Love of My Life, ang primetime drama series ng GMA-7 .

Pahayag ni Rey, "It’s been awhile na we hardly see each other. Medyo madalang na kaming nagkikita ng anak ko na si Carla, madalang kaming nakakapag-usap.

"Na-experience ko na yung sitwasyon natin sa industriya.

"Once na pumasok ka ng show business, talagang automatically, mawawala na yung oras mo sa pamilya mo.

"Mawawala rin ang oras mo sa girlfriend mo, sa karelasyon mo, sa kaibigan mo, to the extent na mawawala ang oras mo sa sarili mo mismo.

"Good for me, nauna akong pumasok ng show business, so I’m very much aware na ganoon ang sitwasyon kaya hindi ako nagrereklamo, hindi ako nagugulo na hindi na kami halos nakakapag-usap at halos hindi na rin kami nagkikita ng aking anak.

Continue reading below ↓

"As long as nakikita ko, nababalitaan ko na umaandar naman nang maayos ang career ng aking anak, so good enough on my side na malaman ko na masaya siya, na okey ang takbo ng career niya and wala naman problema."

Hindi lamang si Carla ang walang komunikasyon kay Rey dahil hindi pa rin nito nakakausap si Tom Rodriguez, ang boyfriend ng kanyang anak.

Hindi itinatanggi ni Carla na magkasama sila ni Tom sa iisang bahay nang magdeklara ng Enhanced Community Quarantine sa Luzon noong March 15, 2020 dahil sa coronavirus pandemic.

"Never yet," sabi ni Rey tungkol sa hindi nila pag-uusap ni Tom.

"Never yet na nakapag-usap kami personally, [tungkol sa] privacy nila ni Carla.

"I really leave it to my daughter’s concern kasi si Carla naman, at this point, nasa tamang edad na rin at matalino naman siya. Hindi pabaya sa sarili.

"So, naniniwala akong kaya nang harapin ni Carla ‘yan.

Continue reading below ↓

"Sabi ko nga sa kanila, if worse comes to worst, nandito lang ako always, anytime. Nandito lang ako para sa kanila."

May tatlo nang apo si Rey sa kanyang panganay na anak pero kung siya ang tatanungin, gusto na rin niyang magkaroon ng apo kay Carla.

"Meron na akong apo sa ate ni Carla, tatlo na po ‘yon.

"Looking forward to with Carla as well dahil kung iisipin nating mabuti, nasa edad na si Carla to settle down and might as well, come up with family of her own."

Postscript: Nakausap si Rey ng entertainment writers sa Zoom presscon na naganap ngayong Miyerkules ng hapon, February 3.

Kasama ang kanyang nakababatang kapatid na si Jojo Abellana, ipinakilala sila bilang mga bagong contract star ng Viva Artists Agency.

Para sa Abellana brothers, malaking karangalan na maging bahagi sila ng Viva.

Kapwa umaasa ang dalawa na mabibigyan ng mga challenging role sa pelikula at recording contract sa Viva Records.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rey "PJ" Abellana on daughter Carla Abellana: "As long as nakikita ko, nababalitaan ko na umaandar naman nang maayos ang career ng aking anak, so good enough on my side na malaman ko na masaya siya, na okey ang takbo ng career niya and wala naman problema."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results