TV Patrol reporter Ganiel Krishnan, sasali sa Miss World Philippines 2020-2021

by Jojo Gabinete
Feb 4, 2021
Kabilang ang TV Patrol entertainment news reporter na si Ganiel Krishnan sa mga sumipot sa screening ng Miss World Philippines 2020-2021 ngayong Huwebes, February 4.
PHOTO/S: @ms.mhaki_hmua

Ang TV Patrol entertainment reporter na si Ganiel Krishnan ang isa sa mga sumipot sa screening ng applicants para sa Miss World Philippines 2020-2021 sa Red Hotel nitong Huwebes, February 4.

Hindi na baguhan si Krishnan sa pagsali sa mga beauty pageant dahil siya ang second runner-up sa Miss Manila noong June 24, 2016.

Itinanghal siyang Mutya ng Pilipinas-Asia Pacific noong July 30, 2016, at second runner-up sa Miss Asia Pacific International noong November 23, 2016.

Bago naging showbiz reporter ng TV Patrol, nasubukan ni Krishnan na umarte sa harap ng kamera bilang contract artist ng Star Magic dahil lumabas siya sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya at sa television series na Oh My G! ng ABS-CBN.

Naranasan din niyang maging courtside reporter ng UAAP.

Ang pagsali ng 26-year-old former beauty queen sa Miss World Philippines ang magiging dahilan para mag-file siya ng leave of absence bilang showbiz reporter ng TV Patrol.

Continue reading below ↓

Sa interbyu sa kanya sa screening ng mga kandidata, sinabi ni Krishnan, "I think I can conquer the world at this time."

Hindi lamang ang Miss World Philippines title ang paglalabanan ni Krishnan at ng mga aspiring beauty queen.

Pipiliin din ang winners para sa Miss Supranational Philippines, Miss Eco Philippines, Reina Hispanoamericana Filipinas, Miss Multinational Philippines, Miss Eco Teen Philippines, at Miss Tourism Philippines.

Si Michelle Dee ang reigning Miss World Philippines.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang ang TV Patrol entertainment news reporter na si Ganiel Krishnan sa mga sumipot sa screening ng Miss World Philippines 2020-2021 ngayong Huwebes, February 4.
PHOTO/S: @ms.mhaki_hmua
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results