Former Viva Hot Babes member Asia Agcaoili, kasama sa TV ad campaign ng New Zealand kontra COVID

by Jojo Gabinete
Feb 5, 2021
Dating miyembro ng Viva Hot Babes at FHM sex guru na si Asia Agcaoili, ipinagmamalaki ang paglabas ng kinabibilangan niyang TV commercial sa New Zealand, ang "Unstoppable Summer" (inset) na bahagi ng kampanya ng New Zealand kontra COVID-19.
PHOTO/S: Courtesy of Asia Agcaoili

Ecstatic ang former Viva Hot Babes member at FHM Philippines Sex Guru na si Asia Agcaoili dahil sa TV commercial na ginawa niya sa New Zealand na may pamagat na "Unstoppable Summer."

Ipinagmamalaki ni Asia na naging bahagi siya ng TV ad na ginagamit na kampanya ng New Zealand government laban sa coronavirus pandemic at ipinapalabas sa lahat ng TV channels sa New Zealand.

Sampung taon nang naninirahan si Asia sa New Zealand.

Sa matagal na panahon, ang "Unstoppable Summer" ang kanyang unang project magmula nang mag-migrate siya sa nasabing bansa.

Asia Agcaoili in Unstoppable Summer campaign

Continue reading below ↓

A scene from "Unstoppable Summer"

Labindalawang taon na ang nakalilipas buhat nang iwanan ni Asia ang Philippine entertainment industry.

Ngayong lumabas na sa New Zealand ang TV ad na kasama siya, lalong tumindi ang ambisyon ng dating sexy star na ma-penetrate ang showbiz industry ng kanyang second home country.

"I’m so proud of this commercial," sabi ni Asia.

Hinihimok niya ang lahat na makiisa sa paglaban sa COVID-19.

"From someone who narrowly evaded death several times, health is wealth. Let’s all be safe than sorry. We can do this guys! Hang on!

"To all my friends all over the world, I am one step away from seeing/hunting Legolas!!! Dream big. It’s free!!”

Happily married si Asia sa kanyang asawa na si Bram van der Kolk. Labing-isang taon na ang kanilang nag-iisang anak na lalake na si Xander.

Asia Agcaoili with husband Bram van dek Kolk and son Xander

Continue reading below ↓

Gaya ng ibang mga miyembro ng Hot Babes na hindi na aktibo, miss na miss ni Asia ang Philippine showbiz.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dating miyembro ng Viva Hot Babes at FHM sex guru na si Asia Agcaoili, ipinagmamalaki ang paglabas ng kinabibilangan niyang TV commercial sa New Zealand, ang "Unstoppable Summer" (inset) na bahagi ng kampanya ng New Zealand kontra COVID-19.
PHOTO/S: Courtesy of Asia Agcaoili
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results