Asia Agcaoili, ilang beses nakatakas sa kamatayan; pinaniwalang matagal nang patay ang kanyang ama

by Jojo Gabinete
Feb 10, 2021
Asia Agcaoili: "For me, it was a blessing in disguise to see the rough side of the world growing up as it made me see how to do things better; to be better and how to focus on the positive things in life to keep your head above water so do speak."
PHOTO/S: @asiaagcaoili Instagram

I Makulay at kontrobersiyal ang life story ng former Viva Hot Babes member at FHM sex guru na si Asia Agcaoili.

Muling nakipag-ugnayan ang Cabinet Files kay Asia para mabigyang-linaw ang kanyang naunang pahayag sa PEP.ph (Philippine Entertertainment Portal) na “For someone who narrowly evaded deaths several times" kaya maikukumpara siya sa mga pusang sinasabing may siyam na buhay.

Sa muling pakikipag-usap ng Cabinet Files kay Asia, inisa-isa niya ang mga naranasang kapahamakan na kanyang naiwasan.

Lahad niya, "While growing up, I got into situations where I could have been in a critical condition or worse, died.

"Like, for example, when I was a baby, my dad threw a huge mattress and it nearly landed on me."

Nalaman daw ni Asia ang kuwentong ito mula sa kanyang ina dahil hindi siya lumaki sa piling ng ama niya.

Patuloy niya, "A car accident where everyone else were in critical condition and spent time in ICU, but I was unharmed.

Continue reading below ↓

"A lightning struck a tree and a branch falling while I was walking by.

"A lose metal wire, scratching neck, a friend of a friend played, put a gun on my forehead with one bullet, rolled the roulette, and pulled the trigger—Russian Roulette basically.

"Having had three major operations in a matter of three months—which diminished my health but I didn’t die.

"When we were younger, my dad threw a fit a few times and set the house on fire with gasoline.

"A chandelier falling narrowly missing me.

"Things that narrowly killed me but didn’t, which all the more reason I should be happy and thankful to be alive every day."

ASIA AGCAOILI'S ESTRANGED FATHER

Ang estranged relationship nila ng kanyang ama ang isa sa mga nagbigay kay Asia ng trauma.

Lumaki kasi siyang pinaniwalang matagal nang patay ang kanyang ama.

Lahad ng dating sexy star, "Of all the kids, kami yung hindi na nag-speaking terms. Hindi ko siya napuntahan noong may sakit siya.

Continue reading below ↓

"Noong naghiwalay sila ng mom ko, noong tumakas kami, kasi nga medyo he’s trying to harm us, especially when he’s drunk, so umalis kami ng bahay.

"Before that actually, hindi ko siya kilala. I grew up na kasama ko lang yung mom ko, yung aunt ko.

"Kasi my aunt is a lesbian, they were together ng mom ko. Yun ang nakalakihan ko na parent.

"If you’re gonna ask me who are my parents, yun ang parents ko.

"But eventually, they got separated na rin. Yung mom ko, mag-isa na siya right now.

"Wala na ako communication sa aunt ko because may ibang partner na siya ngayon."

Sabi pa ni Asia, "I thought my dad was dead, but eventually, my mom said, 'Your dad is still alive.'

"Ay, ang gulo ng buhay ko, maraming twists and turns."

Artista na si Asia nang sumakabilang-buhay ang kanyang ama, pero hindi na sila nagkaroon ng pagkakataong magkita at magkausap.

Continue reading below ↓

Nabalitaan na lang niya ang mga nangyari sa tatay niya bago ito binawian ng buhay noong 2006.

"During his last few months, he was very very depressed already. He was kinda wasting away and as it was, he had a lot of regrets. He was an alcoholic.

"Well, everyone has their own trauma. Yes, he did try to set the house on fire and he had his own troubles.

"He died 2006, and I have made my peace with my childhood. I know that I am stronger than my past.

"I try my best to do better than those people who have done wrong things to me.

"For me, it was a blessing in disguise to see the rough side of the world growing up as it made me see how to do things better; to be better and how to focus on the positive things in life to keep your head above water so do speak," pahayag ni Asia.

Continue reading below ↓

COMING HOME

Happily married na ngayon si Asia sa kanyang European husband na si Bram van der Kolk.

Labindalawang taon na siyang naninirahan sa New Zealand, kasama ang kanyang asawa at ang kanilang 11-year-old son na si Xander.

asia agcaoili, husband Bram van der Kolk and son Xander

Kung si Asia ang tatanungin, gusto niyang bumisita sa Pilipinas, pero imposible pa itong mangyari dahil tumutulong siya sa negosyo ng kanyang asawa.

Continue reading below ↓

Si Bram ang may-ari at founder ng Mega.NZ, ang popular cloud storage at file hosting service ng New Zealand-based company na Mega Unlimited.

Pamilyar na pamilyar sa Internet users ang Mega.NZ dahil sa 2000 GB storage allocation nito para sa free accounts.

"Yung business nila is lumalaki. Sa cloud storage sila, you know Mega.NZ? It’s quite something to handle.

"Yung requirement at demand is malaki. Tinutulungan ko siya. I’m helping my husband sa business niya. It’s quite an undertaking," kuwento ni Asia tungkol sa negosyo ng kanyang asawa na pinagkakaabalahan niya at nagbigay sa kanila ng kumportableng pamumuhay sa New Zealand.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Asia Agcaoili: "For me, it was a blessing in disguise to see the rough side of the world growing up as it made me see how to do things better; to be better and how to focus on the positive things in life to keep your head above water so do speak."
PHOTO/S: @asiaagcaoili Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results