Sunshine Guimary, humingi ng payo kay Ion Perez sa bed scene nila

by Jojo Gabinete
Feb 5, 2021
Nagsimula nang gumiling ang kamera para sa pelikulang Kaka (Bukaka), ang launching movie ng bagong sexy star na si Sunshine Guimary (pangalawa sa kanan). Kasama niya sa pelikula sina Jerald Napoles (dulong kaliwa), Ion Perez (nasa likuran, may tattoo), at Giselle Sanchez (dulong kanan).

Nagkita na nang personal ang aspiring sexy actress na si Sunshine Guimary at si Ion Perez sa set ng Kaka (Bukaka), ang launching movie ng Cebu-based newcomer.

"Guwapo siya, ang ganda ng mata niya," reaksiyon ni Sunshine sa unang pagtatagpo nila ni Ion.

May importanteng role si Ion sa Kaka, pero si Jerald Napoles ang totoong leading man ni Sunshine sa pelikula.

Dumating si Sunshine sa Maynila mula sa Cebu noong January 28, 2021. Nag-umpisa ang shooting niya para sa Kaka noong January 30.

Dahil hindi pa sanay umarte, aminado si Sunshine na nanibago siya at nag-adjust sa bagong mundong pinasok niya.

Kinunan ang mga eksena ng Kaka sa Metro Manila, Tagaytay, at Batangas.

Para sa baguhang kagaya ni Sunshine, pinakamatinding hamon na kanyang naranasan ang bed scene kung saan walang takip ang isang seksing bahagi ng katawan niya.

"Challenging yung bed scene na part, walang takip. Humihingi ako ng payo kay Ion sa gagawin ko sa bed scene.

Continue reading below ↓

"Dahil pareho kamig baguhan, food ang aming bonding," sabi ni Sunshine.

Nagsalita noon ang baguhang sexy star na may posibilidad na ma-in love siya kay Ion dahil napapanood niya sa It’s Showtime ang pagiging malambing ng binata.

"Ang personality ni Ion, parang malambing siya, 'tapos physically, sino naman ang hindi mai-in love kay Ion?" pahayag noon ni Sunshine sa story conference ng Kaka tungkol sa physical attraction niya kay Ion.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagsimula nang gumiling ang kamera para sa pelikulang Kaka (Bukaka), ang launching movie ng bagong sexy star na si Sunshine Guimary (pangalawa sa kanan). Kasama niya sa pelikula sina Jerald Napoles (dulong kaliwa), Ion Perez (nasa likuran, may tattoo), at Giselle Sanchez (dulong kanan).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results