Ion Perez nakakuha ng project na walang kinalaman si Vice Ganda

by Jojo Gabinete
Jan 25, 2021
Si Ion Perez ang napiling maging leading man ng sexy star na si Sunshine Guimary sa launching movie nitong Kaka.
PHOTO/S: Instagram

Si Ion Perez ang gaganap na "love interest" ni Sunshine Guimary sa Kaka, ang launching movie ng Cebu-based aspiring sexy star.

Ang Kaka ang pangatlong pelikula ni Ion.

Una siyang ipinakilala sa The Mall, The Merrier, ang comedy movie nina Vice Ganda at Anne Curtis na official entry sa Metro Manila Film Festival noong December 2019.

Ang second movie niya ay ang Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim, na official entry naman sa 46th Metro Manila Film Festival noong December 2020.

Ang pagiging boyfriend ni Vice ang ginawang isyu noon kaya naging mainstay si Ion ng It’s Showtime at nakasama sa cast ng The Mall, The Merrier.

Kaibigan at co-host ni Vice sa It’s Showtime si Vhong Navarro naman ang pang-iintriga sa kanya kaya nagkaroon siya ng participation sa Mang Kepweng.

Pwede nang ipamukha ni Ion sa detractors niya na kinuha siyang artista sa Kaka dahil sa kanyang talent at hindi dahil magkarelasyon sila ni Vice.

Continue reading below ↓

Maipagmamalaki na rin niyang mali ang mga paratang na nabibigyan lamang siya ng mga project dahil sa impluwensiya ng kanyang “soulmate.”

Walang koneksiyon at kinalaman si Vice sa Kaka dahil sina Sunshine, Jerald Napoles, Maui Taylor, Gina Pareño, at Rosanna Roces ang co-stars ni Ion sa Kaka.

Malapit nang umpisahan ang shooting ng Kaka na isang sex-comedy movie.

Importante ang role ni Ion dahil siya ang gaganap na mystery man na nagkaroon ng relasyon kay Sunshine.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Ion Perez ang napiling maging leading man ng sexy star na si Sunshine Guimary sa launching movie nitong Kaka.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results