Jerome Ponce, posibleng makipagbalikan kay Mika Reyes

by Jojo Gabinete
Feb 7, 2021
Jerome Ponce on possible reconciliation with ex-girlfriend Mika Reyes: Hindi ko pa naman isinasara yung mga ano ko… It’s just gusto ko lang muna na mag-focus sa sarili ko at tingnan ko kung ano yung mali sa akin."
PHOTO/S: @jeromeponce on Instagram

Ang breakup ni Jerome Ponce at ng volleyball star na si Mika Reyes makalipas ang kanilang halos apat na taong relasyon ang isa sa mga balita noong October 2020, pero walang pagtanggi o pag-amin mula sa magkabilang kampo.

Ngayong hapon, February 7, umamin si Jerome na apat na buwan na ang nakararaan buhat nang maghiwalay sila ni Mika. Pero may reconciliation na posibleng mangyari.

"Yung breakup, siguro more sa akin ang problem," pagtatapat ni Jerome nang makausap siya ng Cabinet Files.

Ikaw ba ang nagdesisyong makapaghiwalay?

"Basta! Basta po! Basta… mahirap na. Yung mga ganyan, hindi na kailangan palakihin kasi okey na, e.

"Nagkikita pa rin naman kami kahit papaano and sinu-sure ko muna na safe ako, nasa bahay ako 'tapos quarantine bago kami magkita ulit."

May posibilidad bang magkabalikan kayo ni Mika?

"Yeah, why not? Wala naman problema, okay naman kami. Hindi ko pa naman isinasara yung mga ano ko…

Continue reading below ↓

"It’s just gusto ko lang muna na mag-focus sa sarili ko at tingnan ko kung ano yung mali sa akin."

BEN X JIM FOREVER

Ang mahusay na pagganap ni Jerome bilang Jim sa Season 1 ng Ben X Jim ang isa sa mga dahilan kaya pinag-usapan at tinangkilik ng manonood ang kanilang Boys Love series na pinrodyus ng Regal Entertainment, Inc.

Dahil sa popularidad ng Ben X Jim, nagkaroon ito ng Season 2, ang Ben X Jim Forever. Magsisimula ang streaming nito sa UPSTREAM.ph sa February 12, 2021.

May mga obserbasyong mas magaling ang performance ni Jerome sa Season 2 ng Ben X Jim dahil nakatulong ang breakup nila ni Mika sa kanyang mga dramatic scene, pero may paglilinaw siyang ginawa.

"Para sa akin, hindi naman siguro ewan ko kung iisipin naman talagang aktor ka, artista ka, direktor ka, hindi mo naman iisipin ‘yon.

"Siguro nagiging isyu, I mean, kabaligtaran ng isyu na parang, 'Uy, single si Jerome kaya siguro inspired kaya siguro,' ganyan. 'Kaya siguro ang dami niyang ginagawa ngayon.'

Continue reading below ↓

"Blessing in disguise lang, sumakto na ganoon. At siyempre, alam na parang single ako, mas marami lang akong time sa mga bagay-bagay.

"Pero kung iisipin nga, dahil single ako, galing ako sa breakup, four months ago, dapat malungkot ako. Dapat papunta na ako sa tinatamad sa lahat, [pero] hindi!

"It’s just gusto ko talaga yung trabaho ko, pinag-aaralan ko at ayokong sayangin yung every scene kasi may reason lahat ng eksena, hindi siya pwedeng basta-basta.

"Nung Season 1 naman ng Ben X Jim, parang okey pa kami nang konti noon ng ex ko.

"'Tapos itong Season 2, malungkot talaga yung karakter ko kaya nakatulong din kasi wala na kami ni Mika, yung ex ko. Ginamit ko yung mga bagay-bagay," paliwanag ni Jerome tungkol sa pinupuring pag-arte niya sa Ben X Jim Forever.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jerome Ponce on possible reconciliation with ex-girlfriend Mika Reyes: Hindi ko pa naman isinasara yung mga ano ko… It’s just gusto ko lang muna na mag-focus sa sarili ko at tingnan ko kung ano yung mali sa akin."
PHOTO/S: @jeromeponce on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results