Kasama si Louise delos Reyes sa cast ng Philippine adaptation ng Encounter, ang 2018 South Korean television series na pinagbidahan ng Korean A-listers na sina Song Hye Kyo at Park Bo Gum.
Sina Cristine Reyes at Diego Loyzaga ang gaganap sa mga karakter nina Song Hye kyo at Park Bo Gum.
Si Louise naman ang magbibigay-buhay sa role na ginampanan ni Kwak Sun Young, ang secretary ni Song Hye Kyo, sa Pinoy version ng Encounter.
"I haven't started taping yet for Encounter, but I'm really excited for it! I'm taking over Kwak Sun Young's role in the series," excited na kuwento ni Louise.
Bida rin si Louise sa Filipino adaptation ng South Korean erotic-thriller film na The Housemaid.
"Another Korean adaptation that I did was The Housemaid. I was given the role of Seo Woo. It was really hard to portray her character because I have to look innocent but has a dark side," pahayag ni Louise.
Ikinararangal ni Louise na nabigyan siya ng pagkakataong makatrabaho sina Albert Martinez, Alma Moreno, at Jaclyn Jose sa isang pelikula.
Nagpapasalamat din si Louise dahil bukod sa mga Philippine adaptation ng South Korean movie at TV series, nabigyan din siya ng guesting sa Kagat ng Dilim ng TV5.
Isang malaking hamon daw ito dahil sa prosthetics na inilagay sa kanyang mukha.
"My role in Kagat Ng Dilim was a breather! I haven't done any horror acting since 2012?
"It was also my reunion with Direk Topel Lee, my director in my last horror movie,"
pagtukoy ni Louise sa pelikulang Basement (2014)."
LOUISE delos reyes ON PANDEMIC
At dahil sa mga project niya sa panahon ng coronavirus pandemic, napatunayan ni Louise na malaking advantage ang mga lock-in shoot at taping dahil napaplano nang husto ang araw at oras ng trabaho.
Pero hindi inilihim ni Louise ang pangamba nito para sa kanyang pamilya habang nagtatrabaho siya.
Saad niya, "Everyone naman, I think, nagkakaroon ng malaking fear especially kapag may work ka na pwedeng mawala.
"Pero siyempre, mas natatakot ako for the safety of my family. Hindi mo kasi alam kung matatamaan ka ng COVID-19 or hindi.
"Pero dahil sa pandemic, I have learned to value my time and to take care of my mental health."
Patuloy ni Louise, "I'm not gonna lie na hindi ako nagkaroon ng mga araw na sobra akong nada-down.
"But at the same time, I'm thankful that no one from my family got infected and sobrang grateful ako dahil nagkakaroon pa rin ako ng work.
"Every day, nagdadasal ako na sana matapos na ang pandemic, not just here in the Philippines but in the whole world.
"Sana we can all recover from all the losses last year."