Freedom concert ni Regine Velasquez, postponed; Songbird, nagkaroon ng contact sa COVID patient

by Jojo Gabinete
Feb 10, 2021
Hindi muna matutuloy ang Valentine's Day concert ni Regine Velasquez, ang Freedom, dahil nagkaroon ng exposure ang Asia's Songbird sa isang COVID-19 patient.
PHOTO/S: ASAP Official Facebook

Ipinagtapat ni Regine Velasquez na ang kaiiyak sa hindi inaasahang postponement ng kanyang concert na Freedom ang dahilan ng pamamaga ng kanyang mukha.

Ang Freedom ang Valentine’s Day digital concert ni Regine na matagal nitong pinaghandaan at masipag na nag-promote.

Pero hindi ito matutuloy dahil nagkaroon ng exposure ang Asia's Songbird sa isang COVID-19 patient.

"Sayang yung date natin no. I was sooooo looking forward to it pa naman. But don’t worry I’m ok.

"Maga lang face ko coz I’ve been crying but like I said God has a plan and His plans are always better,” tweet ni Regine ngayong umaga, February 10, tungkol sa sudden postponement ng kanyang Freedom concert.

Continue reading below ↓

Nagpaliwanag din si Regine sa kanyang Instagram followers tungkol sa desisyong huwag munang ituloy ang Freedom.

Mensahe niya, "I don’t even know what to say but yah we are postponing the concert because I was exposed to someone who tested positive. Sorry for the inconvenience.

"I’ve been preparing for this for weeks and so excited to finally be performing for all of you. Hay!!!!! Pero wag magalala definitely matutuloy to no sayang naman pagbabalik alindog ko no.

"So please bear with us we will announce the concert date as soon as possible. Now as far as my health, I’m doing fine, so is my family.

"Safety first para aming lahat na kasama sa #freedom. I just want to say thank you to ABS CBN KTX and IMusic for their support and understanding.

"Syempre sa inyong lahat na na bitin na naman pero promise tuloy tayo. I guess I’ll have more time to make the concert even better. God always has a plan and believe me His plans are always better. Sige itaas nyo na mga expectations nyo."

Continue reading below ↓

Isang official statement ang inilabas ng ABS-CBN Integrated Corporation Communications tungkol sa hindi matutuloy na virtual concert ni Regine.

"ABS-CBN Events and IME regret to announce that “Freedom”: Regine Velasquez-Alcasid Digital Concert originally scheduled on February 14, has been postponed.

"Regine was recently exposed to someone who tested positive for COVID-19 and she is now in quarantine.

Continue reading below ↓

"We apologize for any inconvenience that this may have caused. All tickets sold with the original date will be honored on the new "Freedom" concert schedule, which will be announced soon.

"The health and safety of our artist and staff is our priority and we are thankful for your support and understanding."

Maraming beses nang nasubukan ang professionalism ni Regine, pero hindi niya talaga pwedeng ikompormiso at ilagay sa panganib ang kaligtasan ng kanyang mga katrabaho dahil sa pagkakaroon niya ng exposure sa isang pasyenteng positibo ng COVID-19.

Mahirap makalimutan ang ipinamalas ni Regine na professionalism sa Silver, ang kanyang 25th anniversary concert sa Mall of Asia Arena noong November 16, 2012.

Nawalan ng boses si Regine sa mismong araw ng Silver dahil sa viral infection, pero hindi niya kinansela ang kanyang anniversary concert.

Iyak nang iyak si Regine pero lalo nitong nakuha ang respeto at paghanga ng audience dahil itinuloy niya ang performance, kahit hirap na hirap siya sa pagkanta.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi muna matutuloy ang Valentine's Day concert ni Regine Velasquez, ang Freedom, dahil nagkaroon ng exposure ang Asia's Songbird sa isang COVID-19 patient.
PHOTO/S: ASAP Official Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results