Docu movie tungkol sa kaso ni Jennifer Laude, ipalalabas sa VivaMax; ano na ang balita kay Joseph Pemberton?

by Jojo Gabinete
Feb 12, 2021
Mula nang pagkalooban ng absolute pardon ni Pangulong Rodrigo Duterte, wala nang balita sa American soldier na si Joseph Pemberton (kaliwa), ang pumaslang sa Filipino trans woman na si Jennifer Laude (kanan).

Wala nang balita tungkol kay Lance Corporal Joseph Scott Pemberton ng United States Marines Corps matapos siyang pagkalooban ng absolute pardon ni President Rodrigo Duterte.

Si Pemberton ay umaming pumaslang sa Filipino transgender woman na si Jeffrey “Jennifer” Laude, sa pamamagitan ng pagsakal, sa loob ng isang motel sa Olongapo City noong October 11, 2014.

Bumalik si Joseph sa Amerika noong September 13, 2020, sakay ng isang U.S. military cargo plane. Pero wala nang nakakaalam sa mga nangyayari ngayon sa kanya, limang buwan mula nang lisanin niya ang Pilipinas.

Hindi na rin active ang Facebook page ni Destini Pemberton, ang lesbian sister ni Joseph.

Ang ina ni Joseph na si Lisa ang nagsabing walang katotohanan ang mga haka-hakang galit sa mga miyembro ng LGBTQ community ang anak niya kaya pinatay nito si Laude.

Ginamit na halimbawa ni Lisa si Destini na isang tomboy at nakatakda noong magpakasal sa kapwa babae, at si Joseph ang bestman. Pero hindi ito nangyari dahil nasangkot sa murder case sa Pilipinas si Joseph.

Continue reading below ↓

Nagkaroon kami ng interes na alamin ang mga nagaganap sa buhay ni Pemberton dahil sa February 12 digital premiere sa VivaMax ng Call Her Ganda, ang award-winning documentary movie ng direktor na si PJ Raval.

Tungkol sa imbestigasyon sa kaso ng pagpaslang kay Jennifer ang Call Her Ganda.

Call Her Ganda ang pamagat ng documentary movie, na umani ng mga parangal sa iba’t ibang international film festivals, dahil Ganda ang tawag kay Jennifer noong nabubuhay pa ito.

Nadagdagan ang kaalaman namin tungkol sa kaso ni Laude dahil sa mga impormasyong aming napanood sa Call Her Ganda.

Nagmarka sa aming isip ang pahayag ng kapatid ni Jennifer na si Marilou at ng legal counsel ng Laude family na si Atty. Virginia Suarez tungkol sa alegasyong humihingi sila ng P38 million at anim na U.S. visas para iurong nila ang murder case laban kay Joseph noong March 2015.

"There’s no truth to that allegation at uulitin ko uli, there was never a time that the Laudes ever entertained dropping the case for any amount," mariing pagtanggi ni Marilou.

Continue reading below ↓

"Ikina-clarify ko po sa ating lahat, sana naman po, huwag niyo naman po kaming husgahan nang sobra kasi ipit na ipit na po kami at sobra nang nahihirapan sa ganitong sitwasyon.

"Ang nangyayari po, napakasama na po naming pamilya na hindi naman pala justice ang kailangan namin kundi pera. So, ever since hindi po kami nagde-demand ng pera.

"So, ano po yung ipinagsisigawan namin sa pamilya ko? Justice po para sa kapatid ko,” apela ng kapatid ni Jennifer.

Sa dokumentong lumabas noong September 2020, si Marilou ang tumanggap ng Manager’s Check na nagkakahalaga ng P4,650,250 bilang kabayaran sa civil liability ni Pemberton sa mga naulila ni Jennifer.

civil liability document of pemberton to laude family

Continue reading below ↓

Nabuo ang Call Her Ganda noong 2018, pero updated version ang mapapanood sa VivaMax dahil kasama na rito ang epilogue ng kinahinatnan ng kontrobersiyal at sinubaybayang kaso.

Nakasaad dito: "On September 13th 2020, Pemberton returned to the U.S. after being granted an absolute pardon by President Rodrigo Duterte.

"His early release was announced by presidential spokesperson Harry Roque, former Laude family attorney.

"Despite the pardon, Pemberton is the first US serviceman convicted of a crime in the Philippines. The Visiting Forces Agreement (VFA) remains in effect."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mula nang pagkalooban ng absolute pardon ni Pangulong Rodrigo Duterte, wala nang balita sa American soldier na si Joseph Pemberton (kaliwa), ang pumaslang sa Filipino trans woman na si Jennifer Laude (kanan).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results