Dave Almarinez hindi pa rin makapaniwalang fiancée niya si Ara Mina

by Jojo Gabinete
Feb 13, 2021
Dave Almarinez on Eat Bulaga.
Pagtatapat ni Dave Almarinez, minsan daw ay tinatanong niya ang fiancée na si Ara Mina: "Ikaw ba talaga si Ara Mina? Kasi baka nananaginip lang ako.”
PHOTO/S: Main photo: Screenshot from Eat Bulaga | Inset: Nice Print Photography

Ang fiancé ni Ara Mina na si Dave Almarinez ang isa sa choices sa Saturday edition ng "Bawal Judgmental" segment ng Eat Bulaga.

At ito ang unang pagkakataon na nagsalita siya tungkol sa babae na pinili niya na makasama sa habampanahon.

Nangyari noong January 12, 2021 ang engagement ng dalawa at sa kanyang guesting ngayon sa Eat Bulaga, kinumpirma ni Dave na magaganap din sa 2021 ang pagpapakasal nila ni Ara.

“Plano namin of course, this year kami magpakasal agad-agad,” ang sabi ni Dave sa interview sa kanya nina Eat Bulaga hosts Paolo Ballesteros at Ryan Agoncillo.

Dave Almarinez in Eat Bulaga

Continue reading below ↓

Ikinuwento ni Dave na tatlong taon na ang nakararaan mula nang magkakilala sila ni Ara, tumagal ng dalawang taon ang panliligaw niya at opisyal na nag-umpisa noong 2020 ang kanilang boyfriend-girlfriend relationship.

Si Dave ay ang kasalukuyang undersecretary ng state-run Philippine International Trading Corporation (PITC).

Forty-six years old na ito at handang-handa na raw na lumagay sa tahimik at buo ang paniniwala na si Ara ang itinadhana para maging asawa niya.

“I’m very ready. Hindi na naman ako bagets, 46 years old na and kaya ko sinabing destiny because it took 46 years para sabihin mo na heto na siya at talagang siya na yung magiging love of your life forever. Na makasama mo habang buhay,” pahayag ni Dave.

Nangako raw si Dave na ibibigay niya kay Ara ang lahat, sa abot ng kanyang makakaya.

Ang pagiging mapagmahal, maunawain, at pagkakaroon ni Ara ng mahabang pasensya ang ilan sa mga katangian na nagustuhan ni Dave dito.

Continue reading below ↓

Hanggang ngayon, hindi pa rin daw makapaniwala si Dave na artista ang kanyang fiancée.

“Hangga’t kaya ko, I will do everything and mahal na mahal kita. Nandito ako lagi at nagpapasalamat ako na I found you.

“Minsan lagi kong tinatanong sa kanya hanggang ngayon, ikaw ba talaga si Ara Mina? Kasi baka nananaginip lang ako.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pagtatapat ni Dave Almarinez, minsan daw ay tinatanong niya ang fiancée na si Ara Mina: "Ikaw ba talaga si Ara Mina? Kasi baka nananaginip lang ako.”
PHOTO/S: Main photo: Screenshot from Eat Bulaga | Inset: Nice Print Photography
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results