Ara Mina happy to find "right man" for her at 41

by Rachelle Siazon Interview by James Patrick Anarcon
Feb 4, 2021
Ara Mina on her thoughts about marrying Dave Almarinez: "Kasi every time mag-fill up ako [ng forms] for 41 years—talagang sinabi ko edad ko—single, single, single [ang status ko]. Ngayon, baka magkamali ako ng check. For 41 years single lang lagi tsine-check ko."
PHOTO/S: Nice Print Photo

Natatawang inamin ni Ara Mina na nagkaroon man ng "palya" sa mga dati niyang karelasyon, masaya siya na sa edad na 41 ay nahanap niya ang lalaking makakasama habambuhay.

Si Dave ay undersecretary ng Philippine International Trading Corporation.

Naiulat ang tungkol sa kanilang engagement noong January 12, 2021.

Nitong February 3, 2021, nakapanayam si Ara sa PEP Exclusives kasama ng iba pang cast ng upcoming digital movie na Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar.

Natutuwa raw si Ara dahil dahil marami ang masaya para sa bagong yugto ng kanyang buhay.

"I guess kasi, dahil open book ang life ko, hindi ko naman pinagkait yung mga pinagdaanan ko.

"So, dumating sa point na, 'Finally, andiyan na yung right man for you.'"

Ano na nga ba ang nagpahulog ng loob niya kay Dave?

Sagot ni Ara, tanggap ni Dave ang buo niyang pagkatao.

"Kasi bihira rin makahanap ng... Yun, lalo na sa mga nagpa-sexy, minsan kasi may mga taong judgmental..."

Continue reading below ↓

Ang tinutukoy ni Ara ay ang early years niya sa showbiz kunsaan siya ay nakilalang sexy star.

Sabay diin niya, "Pero sobrang grateful ako na kahit ano yung past mo, he's very proud of me sa mga achievements na nagawa ko.

"At sobrang tanggap niya yung anak ko."

Si Amanda ang six-year-old daughter ni Ara sa ex-boyfriend na si Bulacan Mayor Patrick Meneses.

ara mina, dave almarinez, daughter amanda

Continue reading below ↓

Ngayon pa lang ay excited si Ara sa mga simpleng pagbabago sa buhay niya kapag kasal na sila ni Dave.

"Kasi every time mag-fill up ako [ng forms] for 41 years—talagang sinabi ko edad ko—single, single, single [ang status ko].

"Ngayon, baka magkamali ako ng check. For 41 years single lang lagi tsine-check ko."

Masiglang dagdag pa ni Ara, "Tsaka iniisip ko, 'Paano kaya pag pipirma na ako?' Iba na yung apelyido ko. May mga ganung factor na ako.

"'Paano kaya yung passport ko? Paano kaya yung license ko? Kakakuha ko lang ng card.'

"Mga simple things, pero for me, malaking adjustment."

LOW-KEY RELATIONSHIP

Hindi kaila sa mga sumusubaybay kay Ara na noong June 2018 unang umugong ang balitang nauugnay siya kay Dave.

Pero tikom ang bibig ni Ara sa kontrobersiya sangkot siya, si Dave, at ex-fiancée ni Dave na si Rina Navarro.

Wala ring social media post si Ara na nagpapahiwatig na sila ni Dave.

Continue reading below ↓

Hanggang sa nito na lang September 2020, may pagkakataong namataan silang nagsimba sa Laguna, ang hometown ni Dave.

Nasundan din iyon ng pagkikita nila sa isang restaurant sa Lipa, Batangas,

Noong November 2020, kinumpirma ni Ara sa eksklusibong panayam ng PEP.ph na "dating" ang status nila ni Dave.

Pero sa isang taped TV interview ni Ara na umere noong January 12, hindi pinangalanan ni Ara si Dave at tinukoy lamang ang lalaking nakaka-date bilang isang businessman sa field ng "trading."

Sakto naman na noong araw na iyon ay inanunsiyo ni Ara na engaged na sila ni Dave.

Iyon ang unang pagkakataon na naging bukas siya sa pag-post sa social media tungkol sa kanila ng fiancé.

ara mina, dave almarinez proposal

Continue reading below ↓

ARA mina'S FRIENDS SURPRISED ABOUT HER ENGAGEMENT

Kuwento ni Ara sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), may mga kaibigan siyang nasorpresa nang unang makarating sa mga ito ang pinaplanong marriage proposal ni Dave.

Wala kasing bakas ng relasyon nina Ara at Dave sa social media account ng aktres.

Lahad ni Ara: "Oo, nagulat ang mga tao, di ba? Hahaha! You know what, even my friends didn't know I have a boyfriend.

"Ang huling nalaman nila is nanliligaw sa akin [si Dave] dahil nag-pandemic and all, so hindi naman lagi nagkakausap.

"Hindi ko naman sila na-update na, 'Huy, sinagot ko na siya.' Di ko na sila isa-isang natawagan to inform them kasi na-busy na ulit ako.

"Kasi every month kami nagla-lock-in sa Ang Probinsyano."

Bahagi si Ara ng Kapamilya prime-time series na FPJ's Ang Probinsyano, na ang lock-in taping ay sa hacienda ni Batangas Vice Governor Mark Leviste.

Patuloy ni Ara tungkol sa reaksiyon ng kanyang mga kaibigan, "So, nung tinawagan daw sila na ini-invite sila for a surprise engagement dinner, na may proposal nga sa akin. 'Ha? Sino?!' Lahat sila gulat.

Continue reading below ↓

"Hindi ako nagpo-post sa social media kasi parang I want my life na may privacy na. Kasi buong buhay ko, open book na.

"Siguro pag ganitong edad na, you want a quiet life. Siyempre I want to settle down na."

ara mina, dave almarinez proposal

WEDDING PREPARATIONS

Ayon kay Ara, naplano na nila ni Dave ang mga posibleng maging wedding venue nila.

Continue reading below ↓

"This year, may mga pupuntahan kaming lugar to check the places, kung anong magugustuhan namin.

"Kasi gusto ko garden wedding, destination wedding, pero within dito lang sa Philippines."

Magiging abala rin daw si Ara sa prenup pictorials, paglista ng mga kasali sa wedding entourage, at pagkumpleto ng requirements para sa marriage license.

Kailangan daw i-schedule nang maayos dahil ngayong buwan ay balik lock-in taping uli sila sa Ang Probinsyano.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ara Mina on her thoughts about marrying Dave Almarinez: "Kasi every time mag-fill up ako [ng forms] for 41 years—talagang sinabi ko edad ko—single, single, single [ang status ko]. Ngayon, baka magkamali ako ng check. For 41 years single lang lagi tsine-check ko."
PHOTO/S: Nice Print Photo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results