December 12, 2020 nang ilabas ng Cabinet Files ang blind item tungkol sa kumpirmadong pagbubuntis ng aktres na winner ng isang talent search show sa telebisyon.
At ang kanyang boyfriend na produkto rin ng nasabing contest ang ama ng sanggol na dinadala niya.
Noong January 21, 2021, muling inilabas ng Cabinet Files ang report na handa na ang aktres at ang kanyang karelasyon na aminin sa publiko na malapit na silang maging mga magulang at isang grand reveal ang pinaplano nila dahil tapos na ang kanilang photo at video shoot.
Sina Sophie Albert at Vin Abrenica ang mga subject ng magkasunod na blind item ng Cabinet Files pero hindi basta grand reveal ang kanilang ginawa tungkol sa bagong chapter ng mga buhay nila.
Gamit ang kanilang mga social media account, inuna nina Sophie at Vin na mag-post tungkol sa wagas na pagmamahalan nila na sinundan ng kanilang paglipat at pagsasama sa isang bahay at ng engagement ng dalawa.
Ginawang series nina Sophie at Vin ang pag-amin dahil tila gusto nilang makundisyon ang isip ng publiko bago isiwalat ang katotohanan na magkakaroon na sila ng anak.
Itinaon pa nila sa Araw ng mga Puso ang announcement.
Ngayon, February 14, kapwa muling ginamit nina Sophie at Vin ang kanilang mga social media account para ipaalam sa lahat na nagbunga na ang pagmamahalan nila.
“8 years together and bound forever by our greatest love thus far. See you soon our little one! Happy Valentine’s day everyone,” ang caption ni Sophie sa “ reveal video “ ng kanyang pagbubuntis.
"My fire, my inspiration. My weakness, my strength. I will carry the whole world, all for my little family.
“Soon, the wait will be over. And we will be complete,” ang mensahe naman ni Vin para kay Sophie at sa kanilang magiging panganay.