Barbie Forteza, balik-Sunday noontime show

by Jojo Gabinete
Feb 14, 2021
Alden Richards, Barbie Forteza, Rayver Cruz
Ipinakilala nina Alden Richards (kaliwa) at Rayver Cruz (kanan) kanina sa All Out Sundays si Barbie Forteza (gitna) bilang bagong miyembro ng kanilang programa.
PHOTO/S: @kapusoprgirl Instagram

Sina Alden Richards at Rayver Cruz ang nagpakilala kay Barbie Forteza bilang bagong mainstay at co-host ng All Out Sundays, ang Sunday musical variety show ng GMA-7.

Nagsimula ngayon, February 14, ang All Out Sundays stint ni Barbie na maligayang-maligaya dahil bahagi na siya ng programa.

“Thank you so much, All Out Sundays for welcoming me.

"Grabe, ang tagal ko nang nanonood nito, fan ako ng show na ’to, e. And I can’t wait na makasayaw ko silang lahat,” ang sabi ni Barbie na may dahilan para maging masaya dahil may Sunday show na uli siya.

Apat na taon (August 2015-December 2019) na naging co-host si Barbie ng Sunday PinaSaya kaya ikinalungkot niya ang pagkawala ng programa na pinalitan ng All Out Sundays.

Malaki ang kontribusyon ni Barbie sa Sunday PinaSaya dahil sinubaybayan at kinagiliwan ng televiewers ang impersonation niya kay Kris Aquino.

Mga kasamahan ni Barbie sina Alden Richards, Julie Anne San Jose, Miguel Tanfelix, at Gabbi Garci sa Sunday PinaSaya pero hindi na siya kasali sa All Out Sundays nang magsimula ito noong January 5, 2020.

Continue reading below ↓

Makalipas ang mahigit isang taon, hindi lamang si Barbie ang mainstay ng All Out Sundays dahil kabilang na rin si Ruru Madrid sa Sunday noontime show ng Kapuso Network kaya nagkaroon ng reunion ang dating cast ng Sunday PinaSaya.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ipinakilala nina Alden Richards (kaliwa) at Rayver Cruz (kanan) kanina sa All Out Sundays si Barbie Forteza (gitna) bilang bagong miyembro ng kanilang programa.
PHOTO/S: @kapusoprgirl Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results