Queerbaiting nga ba ang ginagawa nina Teejay Marquez at Jerome Ponce?

by Jojo Gabinete
Feb 15, 2021
Jerome Ponce, Teejay Marquez in Ben X Jim Forever.
Sa kabila ng mga paratang na nagku-queerbaiting lang sina Jerome Ponce (kaliwa) at Teejay Marquez, pinaninindigan ng dalawang aktor na ginagampanan lang nila ang roles na ibinigay sa kanila.
PHOTO/S: Ben X Jim Forever PR

“Queerbaiting” ang paratang laban kina Teejay Marquez at Jerome Ponce ng mga kritiko ng Ben X Jim na nagsabing tinanggap lamang nila ang project para dumami ang kanilang fans mula sa LGBTQ community.

Ang Ben x Jim ang Boys Love series ng Regal Entertainment, Inc. na pinagbibidahan nina Teejay at Jerome.

Reaksiyon ni Jerome, “Tinanggap ko ito para ma-explore ko yung ganitong kind of project.

"Pangalawa, gusto ko rin umalis sa box ko.

“For sure, yun ang iisipin nila, but we’re just doing our work and hindi naman namin ine-expect na tatangkilikin and, for sure, laging may critics.

“Hindi naman namin kayang i-please o i-cater yung viewers na hindi talaga yun ang type or whatsoever.

“Kung iisipin para dumami [ang viewers from LGBTQ], hindi naman kasi basically, si Teejay kilala na.

“Ako, characters [roles] ang target ko ngayon at hindi ko ine-expect na magiging love team nga daw kami.

“Ang sa akin, ginagawa ko lang ang trabaho ko kaya nga kami umaarte.

Continue reading below ↓

"Kaya kami gumagawa ng roles kasi kaya namin, not just to pretend but feel the character and live sa life niya.”

ORGY SCENE

Ang “orgy scene” ang isa sa mga highlight ng Season 2 ng Ben X Jim Forever.

Pero maagap sina Teejay at Jerome sa pagsasabing hindi malaswa ang eksena na kanilang ginawa, kasama ang ibang cast members.

“Maganda talaga yung istorya. Hindi siya kinunan para magpakita lang. Maganda talaga yung istorya at artistic naman lahat.

"Kumbaga, bonus na po iyon para sa manonood,” depensa ni Teejay, na nanindigang hindi pa niya nararanasan sa tunay na buhay ang orgy scene na mapapanood sa Ben X Jim Forever.

Para kay Jerome, totoong daring ang controversial orgy scene sa Season 2 ng BL series nila ni Teejay na mapapanood sa UPSTREAM.ph pero hindi raw “nakakamanyak ” ang tagpo.

“Daring talaga siya pero iba ang ginawang treatment.

"Parang naging daring na siya, pero very decent pa rin ang approach.

Continue reading below ↓

“Hindi siya yung parang malaswa. Kahit sabihin nating nagmomol siya, laplapan, hindi siya malaswa.

“Kahit yung orgy scene nang mapanood ko, 'Wow ang ganda!' Ang ganda ng pagkakagawa.

"Hindi siya yung nakakalibog-libog, hindi siya nakakamanyak.

"Kapag nakita mo, wow ang ganda. At some point, iisipin mo. artistic.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa kabila ng mga paratang na nagku-queerbaiting lang sina Jerome Ponce (kaliwa) at Teejay Marquez, pinaninindigan ng dalawang aktor na ginagampanan lang nila ang roles na ibinigay sa kanila.
PHOTO/S: Ben X Jim Forever PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results