Mga eksena ni Mystica sa Owe My Love, ginamit pa rin; Mahal, may subtitle ang dialogues

by Jojo Gabinete
Feb 17, 2021
Sa second episode ng bagong Kapuso prime-time series na Owe My Love ay napanood na ang mga eksena nina Mystica (kaliwa) at Mahal (kanan).
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Maid ng karakter ni Leo Martinez ang role ni Mystica sa Owe My Love, ang bagong primetime romantic-comedy series ng GMA-7 na nag-umpisa noong Lunes, February 15, 2021.

Sa second episode kagabi, February 16, ipinakita ang dalawang eksenang niya pero wala ang kanyang pangalan sa closing credits,

Naging kontrobersiyal ang short-lived participation at pagkawala ni Mystica sa cast ng Owe My Love dahil sa social media rants niya noong November 2020 tungkol sa diumano’y hindi magandang trato sa kanya ng production staff sa lock-in taping nila sa isang resort sa Bocaue, Bulacan.

Hindi rin nagustuhan ni Mystica na magkasama sila ni Kiray Celis sa iisang kuwarto dahil hindi siya komportable at kailangan niya ng privacy.

Kahit tinanggal si Mystica sa Owe My Love, ginamit pa rin ang kanyang mga eksena.

Pero sa episode kagabi, napansin naming mas meaty ang role at mas marami ang exposure ni Mahal na mainstay rin ng programa.

Continue reading below ↓

Si Mahal ang gumaganap na personal assistant ng contravida character ni Jackie Lou Blanco sa Owe My Love. Sosyal ang role niya dahil sa magagandang damit na ipinasuot sa kanya.

Napuna namin ang special treatment kay Mahal dahil sa lahat ng mga artista ng Owe My Love, ang kanyang karakter lang ang may subtitle ang mga linya bilang hindi madaling intindihin ang pagbibitaw niya ng mga salita.

Hindi tinipid sa budget ng Owe My Love dahil sa pilot episode pa lang, malaki agad ang mga eksenang ipinakita at hindi mahahalatang kinunan ito sa panahon ng coronavirus pandemic kaya mahigpit ang pagpapatupad sa safety protocols.

May powerhouse cast din ang Owe My Love dahil sa dami ng mga artistang kasali mula kay Leo, Jackie Lou, Lovi Poe, Benjamin Alves, Ruby Rodriguez, Kiray Celis, Buboy Villar, Nova Villa, Mike Nacua, Gene Padilla, at ang Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas.

Pretty soon, magiging cast member na rin ng Owe My Love ang bagong kasal na si Rocco Nacino, na ex-boyfriend ni Lovi.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

The PEP REVIEW section carries the views of individual reviewers, and does not necessarily reflect the views of the PEP editorial team.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa second episode ng bagong Kapuso prime-time series na Owe My Love ay napanood na ang mga eksena nina Mystica (kaliwa) at Mahal (kanan).
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results