Teejay Marquez, hindi si Jerome Ponce ang unang nakahalikang aktor sa screen

by Jojo Gabinete
Feb 18, 2021
Teejay Marquez (right) on kissing scene with Jerome Ponce (left) in Ben x Jim Forever: "One long take lang yung kissing scene with Jerome. Toothbrush and mouthwash... At first kasi, prinepare ko na rin ang sarili ko na talagang magkakaroon ng kissing scene!"
PHOTO/S: Regal Entertainment, Inc.

Ang kissing scene nila ni Jerome Ponce ang tinutukoy ni Teejay Marquez na isa sa pinakamapusok na ginawa nila para sa Ben X Jim Forever, ang Season 2 ng Boys Love Series ng Regal Entertainment, Inc.

Pero hindi ito ang unang pagkakataong nakipaghalikan siya sa kapwa lalake.

Ipinaalaala ni Teejay na nagkaroon din sila ng on-screen kiss ni Kokoy de Santos sa Hellcome Home, ang horror-thriller movie ng Star Cinema na ipinalabas sa mga sinehan noong October 2019.

Ang kaibahan lang, higit na may kilig ang kissing scene nila ni Jerome sa Ben X Jim Forever dahil sa kanilang love team na nabuo at tinangkilik sa Season 1.

Alam ni Teejay na may dream sequence sa Ben X Jim Forever na kailangan nila ni Jerome na maghalikan kaya pinaghandaan niya ang kanilang passionate kissing scene.

"One long take lang yung kissing scene with Jerome. Toothbrush and mouthwash...

"At first kasi, prinepare ko na rin ang sarili ko na talagang magkakaroon ng kissing scene!" natatawang kuwento ni Teejay tungkol sa lip service sa kanya ng leading man niya.

Continue reading below ↓

"Totoo po ‘yan, mas daring ang Season 2 ng Ben X Jim, mas mapusok.

"Si Jerome, nung makatrabaho ko, maayos na katrabaho at hindi mahirap gustuhin kasi sobrang okey. Maayos at mabait na kausap.

"Kung ikaw single ka, hindi mo maiiwasang hindi magustuhan si Jerome. Gustuhin siya," papuri ni Teejay kay Jerome.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Teejay Marquez (right) on kissing scene with Jerome Ponce (left) in Ben x Jim Forever: "One long take lang yung kissing scene with Jerome. Toothbrush and mouthwash... At first kasi, prinepare ko na rin ang sarili ko na talagang magkakaroon ng kissing scene!"
PHOTO/S: Regal Entertainment, Inc.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results