Luis Manzano nagpaalam kay Billy Crawford bago tanggapin ang hosting job sa Your Face Sounds Familiar

by Jojo Gabinete
6 days ago
Luis Manzano (left) on asking Billy Crawford's (right) permission before accepting Your Face Sounds Familiar: "Si Billyboy, sobra naman. Sabi niya, ‘Kung ang mga show ko sa ABS-CBN ay mapupunta sa ibang tao, gusto ko ikaw talaga ang gumawa.'"
PHOTO/S: Courtesy of ABS-CBN

Si Luis Manzano ang bagong host ng Season 3 ng Your Face Sounds Familiar na mapapanood simula bukas, February 20, sa Kapamilya Channel at sa ibang platforms ng ABS-CBN.

Si Billy Crawford ang original host ng singing at impersonation contest ng Kapamilya Network.

Si Luis ang ipinalit sa kanya ng ABS-CBN management dahil sa paglipat ni Billy sa Brightlight Productions bilang main host ng Laugh Out Loud, ang noontime variety show na napapanood sa TV5.

May delicadeza at respeto si Luis sa kapwa, lalo na sa kanyang mga kaibigan, kaya nagpaalam muna siya kay Billy bago niya tinanggap ang alok ng ABS-CBN para maging host ng Season 3 ng Your Face Sounds Familiar.

Lahad ni Luis, "Dati po kay Billyboy ‘to, ipinaalam ito. Nung sinabi sa akin ng ABS-CBN, 'Luis, favor, pwede ikaw ang gumawa ng Your Face…'

"E, siyempre, tinawagan ko muna si Billyboy, nagpaalam muna ako kung okey lang kay Billyboy.

Continue reading below ↓

"Si Billyboy, sobra naman. Sabi niya, ‘Kung ang mga show ko sa ABS-CBN ay mapupunta sa ibang tao, gusto ko ikaw talaga ang gumawa.'

"So, thank you, Billyboy."

Nang itanong ng Cabinet Files ang mga pagbabagong dadalhin o gagawin niya bilang host ng Your Face Sounds Familiar, ipinaubaya ni Luis ang pagsagot sa management ng ABS-CBN.

"Hindi ko alam, e. I think it’s more of… ang management ang dapat sumagot dahil magkaiba, although may similarities, iba rin ang kulit namin ni Billyboy.

"Kung papaano niya ini-host ang Your Face Sounds Familiar. I guess, it’s up for the production, the jury, to answer kung ano yung difference ng dynamics naming lahat," sabi ni Luis.

Inaasahan ni Luis na magbibigay ng bagong saya at sigla sa bagong show na muling susubok sa kanyang husay bilang host.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Luis Manzano (left) on asking Billy Crawford's (right) permission before accepting Your Face Sounds Familiar: "Si Billyboy, sobra naman. Sabi niya, ‘Kung ang mga show ko sa ABS-CBN ay mapupunta sa ibang tao, gusto ko ikaw talaga ang gumawa.'"
PHOTO/S: Courtesy of ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results