Rhian Ramos feels "very lucky" to be Kapuso

by Jojo Gabinete
Feb 21, 2021
Rhian Ramos on renewing contract with GMA-7: "I’ve made all kinds of projects with GMA, and I feel excited to continue to create."
PHOTO/S: Rhian Ramos on Facebook

Muling pumirma si Rhian Ramos ng exclusive contract sa GMA Network Inc. noong Biyernes, February 19, 2021.

Malaki ang pasasalamat ni Rhian sa patuloy na pagtitiwala sa kanya ng GMA-7. Simula noong naging leading lady siya sa Captain Barbell, sunud-sunod ang ngaing projects niya liban lang noong nag-showbiz hiatus siya mula 2011 hanggang 2012.

Sambit ni Rhian, "I feel very lucky talaga. The life that I live, I’m happy with it, and being with GMA 7 gives me the opportunity to continue to be creative with them.

"They always give me chances to learn more, to improve myself. I’ve made all kinds of projects with GMA, and I feel excited to continue to create."

Rhian Ramos as a Kapuso

Malaking bahagi ng buhay ni Rhian ang GMA-7 dahil 15 years old siya nang maging contract star ng Kapuso Network.

Thirty years-old na ngayon si Rhian kaya halos ginugol nito ang kalahati ng kanyang buhay sa home studio niya.

Continue reading below ↓

"It’s a very interesting and colorful life to live, and, I’m gonna be honest, it’s not perfect, but I will be forever grateful that GMA changed my life forever starting when I was 15.

"It was a long time ago, but I remember the day I came out on GMA changed everything for me, and I’m happy to share my interesting journey with anyone who can learn from it,” ani Rhian.

Nagpasalamat din ito sa publiko na patuloy na sinusuportahan ang Love of My Life, ang drama series na tinatampukan nila nina Carla Abellana, Mikael Daez, at Coney Reyes.

Nag-umpisang mapanood sa GMA-7 ang Love of My Life noong February 3, 2020, pero pansamantalang nahinto ang pag-ere nito nang ideklara ang Enhanced Community Quarantine noong March 17, 2020.

Nag-resume ang taping ng Love of My Life noong September 2020, at nagbalik ito sa telebisyon noong January 18, 2021.

Natutuwa si Rhian at ang co-stars niya dahil hindi bumitaw sa panonood ang mga tumatangkilik sa kanilang programa kahit matagal itong nawala sa telebisyon.

Continue reading below ↓

"We are so grateful na hindi nila kami nakalimutan and hindi sila bumitiw sa kuwento namin.

"When that suddenly happened, we were like 'grabe ,sayang naman,' we we’re trying to make the show really nice and enjoyable for everyone.

"Pero now that we’re given a second chance, we’re so happy that they enjoy what we’ve done and, so far, sa comments online and everything, parang na-feel nila yung continuity of the show.

"Consistent [na mataas na ratings] niya so talagang grateful kami. Thank you so much for all the support, and we hope na yung future episodes namin na lalabas pa lang, masubaybayan nila, ma-enjoy, at may mapulot din sila na lessons,” ang mga sagot ni Rhian sa mga tanong na ipinadala namin sa kanyang tungkol sa muling pagpirma niya ng kontrata sa GMA-7.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rhian Ramos on renewing contract with GMA-7: "I’ve made all kinds of projects with GMA, and I feel excited to continue to create."
PHOTO/S: Rhian Ramos on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results