Baron Geisler, inamin ang pagkakaroon ng mental illness

by Jojo Gabinete
Feb 22, 2021
Baron Geisler on being a father: "To have your own child is such a great and wonderful experience. It’s such a blessing. She’s my pride and joy. Somehow, natulungan niya rin ako na mawala yung pagka…I don’t wanna use this term, but I have to, yung pagkatililing ko."
PHOTO/S: Viva Films / Baron Geisler Facebook

Diretsahang inihayag ni Baron Geisler ang pagkakaroon niya ng mental illness sa digital media conference ng Tililing nitong Lunes ng hapon, February 22.

Sinabi ito ng aktor nang tanungin siya tungkol sa mga pagbabago sa kanyang buhay mula nang magkaroon sila ng anak ng misis niyang si Jamie Evangelista.

"To have your own child is such a great and wonderful experience. It’s such a blessing. She’s my pride and joy.

"Somehow, natulungan niya rin ako na mawala yung pagka…I don’t wanna use this term, but I have to, yung pagkatililing ko.

"I won’t hide it. I have a little bit of mental illness. I’m kinda crazy also, and I’m also recovering alcoholic.

"But I do my job, I do my work to get better."

Patuloy ni Baron, "For me, there’s room to become a better you and to improve yourself and there’s always room for improvement as long as you want it and I really want this.

Continue reading below ↓

"I want a family life, the whole package—wife, home, kids. I’m embracing it here right now in Cebu."

Cebu-based na si Baron mula nang pakasalan niya si Jamie at nang isilang nito ang kanilang anak na si Talitha Cumi.

Pumupunta lamang si Baron sa Maynila kapag may mga importanteng commitment dahil kumportableng-komportable na ang kanyang pamumuhay sa Cebu.

"I love everything about Cebu. The culture is great here.

"It’s somewhat a little different from Manila. Forty to forty-five minutes away, nasa dagat ka na, nasa bundok ka na.

"The people here are very straightforward. Ibig sabihin, hindi mga plastic ang mga taga-Cebu kaya gustong-gusto ko sila," saad niya.

Binanggit din ni Baron na hindi lamang si Jamie ang natagpuan niya sa Cebu dahil dito rin niya nakilala ang Panginoong Diyos.

"Dito ako nag-transform to a better human being, and I met my wife here also and I also met God here you know.

Continue reading below ↓

"I discovered how great God is so that’s why my heart is here in Cebu."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Baron Geisler on being a father: "To have your own child is such a great and wonderful experience. It’s such a blessing. She’s my pride and joy. Somehow, natulungan niya rin ako na mawala yung pagka…I don’t wanna use this term, but I have to, yung pagkatililing ko."
PHOTO/S: Viva Films / Baron Geisler Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results