Tililing nagpalit ng movie poster; Baron Geisler nasa top billing

by Jojo Gabinete
Feb 21, 2021
Naglabas ng bagong movie poster ang Tililing, na ipapalabas sa mga sinehan sa March 5, 2021.
PHOTO/S: PR

Nag-release ang Viva Films ng bagong poster para sa Tililing, na ipapalabas sa mga sinehan at sa streaming site na VivaMax sa March 5, 2021.

Nitong nakaraang araw, naging kontrobersiyal ang original poster, kung saan nakalabas ang dila ng cast, dahil kinondena ito ng mental health advocates.

Para sa mental health advocates, naging insensitive ang poster sa kalagayan ng mga taong may problema sa pag-iisip.

Isa sa mga unang umalma rito ay ang aktres na si Liza Soberano, na nag-tweet ng, But the poster? It’s a no for me. Mental health is NOT a joke. Stop the stigma.”

Di naglaon, maging ang Commission on Human Rights ay nagpahayag ng pagka-disgusto rito.

TILILING's NEW MOVIE POSTER

Sa bagong poster ng Tililing, nakangiti na lamang sina Baron Geisler, Gina Pareño, at Chad Kinis samantalang iba’t-iba naman ang mga facial expression nina Candy Pangilinan, Donnalyn Bartolome, at ng newcomer na si Yumi Lacsamana.

Continue reading below ↓

Isa pang takaw-pansin ay ang pagpapahalaga na ibinigay sa billing ng pangalan ni Baron at sa exposure niya sa trailer ng pelikula.

Sa parehong versions ng poster, nauna pa ang pangalan ni Baron sa pangalan ni Gina, na higit na beterano sa showbiz.

Si Baron rin ang mapapanood sa opening at closing scene ng trailer ng Tililing.

Bago pa nagkaroon ng malaking kontrobersiya tungkol sa original poster ng Tililing, nagsalita si Baron na kapupulutan ng aral ang kanilang pelikula at nakasentro ang kuwento nito sa tatlong nurses na ginagampanan nina Candy, Donnalyn, at Yumi.

"Kuwento ito ng tatlong nurse na makaka-relate eventually sa mga pasyente nila. Sa story namin ni Miss Yumi, ako ay isang bata na na-trap sa katawan ng isang matanda. Kumbaga, hindi nag-develop yung brain ng karakter ko dahil nga sa pang-aabuso ng tatay niya.

"It’s just a heartwarming and psychologically thrilling movie to watch. You will also get lots of lessons from it and also mawawala yung stigma.

Continue reading below ↓

"It’s way of educating also the people on how to see itong mga tao na may kapansanan sa lente at sa mata ni Direk Darryl Yap,” ang paliwanag ni Baron na nagpahayag din ng paghanga sa direktor ng Tililing.

"Amazing na katrabaho si Direk Darryl Yap, napakahusay, napakalikot ng utak niya. Magaan siya na katrabaho.

"He knows what he wants and ang bilis namin mag-shoot so walang kaproble-problema siya na katrabaho.

"And I am praying and hoping na I get to work with him again and again."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naglabas ng bagong movie poster ang Tililing, na ipapalabas sa mga sinehan sa March 5, 2021.
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results