PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kitkat, tinanggal na sa Happy Time dahil sa away nila ni Janno Gibbs?

Si Kitkat nga ba ang nagpasimula ng away nila ni Janno?
by Jojo Gabinete
Published Feb 24, 2021
Kalat na ang balitang tinanggal na umano si Kitkat (kaliwa) sa Net 25 noontime show na Happy Time dahil sa social media posts nito sa kabila ng pag-aayos nila ni Janno Gibbs (kanan).
PHOTO/S: Instagram

Laganap na ang balitang tinanggal na si Kitkat bilang host ng Happy Time ng Net25 dahil sa hidwaan nila ni Janno Gibbs, pero hindi pa naglalabas ng kumpirmasyon o reaksiyon ang TV host/comedienne.

Hinihintay ng supporters at followers ni Kitkat ang kanyang pahayag tungkol sa balita dahil nasanay na silang ipinu-post ng comedienne sa social media ang lahat ng kanyang mga saloobin, partikular ang away nila ni Janno na naging mitsa para mawalan siya ng programa.

Ang transcript ng mga nangyari sa taping ng Happy Time noong Huwebes, February 18, na pinagsimulan ng hidwaan nina Kitkat at Janno, ang ginamit ng Net25 management sa kanilang imbestigasyon.

Base sa transcript, si Kitkat ang unang nagsalita ng hindi maganda dahil tinawag niyang "g*go" si Janno.

Hindi lamang "g*go" ang salitang binitiwan ni Kitkat dahil sinabihan din niya si Janno ng "sira-ulo" nang mapikon siya sa isang game segment ng Happy Time.

Hindi nagustuhan ng singer-actor ang kawalan ng respeto na ipinakita ng kanyang co-host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inilabas ng PEP.ph nitong Miyerkules ng hapon, February 24, ang report tungkol sa reposting ni Janno sa deleted Facebook entry ni KitKat noong Biyernes ng madaling-araw, February 19.

May karugtong ang binurang FB post ni Kitkat, at ito ang nilalaman nito:

“Di lang ako, lahat nanliit sa ginawa mo, ikamamatay ko stress ko sayo! Ako tong may pinagdadaanan, may sakit pero ikaw tong eksena!Kahit kelan, napaka unprofessional mo!

“Bigla bigla kang pumipitik kahit masaya ang lahat ilang beses nay an pero eto din na mapapalampas! Sobra ka na!

“Tatay at Asawa ko galit nagalit magharap daw kayo! Putulin ‘yang maliit mong ano! At bayaran mo mic na binato mo! Kapal ng mukha mo! Di ka namin mapapatawad!”

HOT STORIES

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kalat na ang balitang tinanggal na umano si Kitkat (kaliwa) sa Net 25 noontime show na Happy Time dahil sa social media posts nito sa kabila ng pag-aayos nila ni Janno Gibbs (kanan).
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results