Makaraan ang labing-siyam na taon, magbabalik at gagawa ng pelikula si Sharon Cuneta sa kanyang dating home studio, ang Viva Films.
Ang Revirginized ang comeback project ni Sharon sa Viva Films. Mula ito sa panulat at direksyon ni Darryl Yap.
Natapos ni Yap ang pagsusulat ng script ng Revirginized noong February 15 ng madaling-araw.
Ayon sa kanya, isa ito sa pinakamahalagang script ng buhay niya.
Hindi pa nagsasalita si Yap tungkol sa kuwento ng Revirginized, pero sa pamagat pa lang, ibang Sharon ang mapapanood sa pelikulang gagawin nila.
Isang taong hindi na nakikipagtalik sa mahigit tatlong taon o isang nilalang na sumailalim sa vaginal tightening surgery ang dalawang kahulugan ng salitang revirginized.
Sina Cristina Gonzales, Rosanna Roces, at Albert Martinez ang mga co-star ni Sharon; at si Marco Gumabao ang "leading man" niya sa Revirginized na uumpisahan ang shooting sa unang linggo ng March 2021.
Ang principal photography ng Revirginized ang pinaghahandaan at pinagkakaabalahan ngayon ni Yap.
DARRYL YAP ANSWERS NURSES' ASSOCIATION
Pero may panahon si Yap na sagutin ang mga miyembro ng Philippine Nurses Association (PNA ) na kinokondena ang isang eksena nina Candy Pangilinan, Yumi Lacsamana, at Donnalyn Bartolome sa pelikula niyang Tililing.
Mga nurse ang karakter na ginagampanan ng tatlo sa pelikula, at may eksenang nag-aaway sina Yumi at Donnalyn dahil sa isang panty na ninakaw habang suot nila ang nurse's cap.
Para sa samahan ng mga nurse, simbolo ng karangalan at dignidad ang nurse's cap kaya naglabas sila ng opisyal na pahayag laban sa teaser na mahigpit nilang tinututulan.
Nakasaad dito: "Philippine Nurses Association STRONGLY DENOUNCES the movie of VIVA Films entitled 'TILILING' for the Inappropriate use of Nurses' cap which is a distinct feature of a nurse and is a sign of the profession's ageless values and virtues.
"Nobody wears it except female nurses on duty! The trailer degrades and humiliates nurses.
"The movie makers should be conscientious enough not to bring to life characters that are directly malign professionals.
"The scene showing inappropriate use of the nurses’ cap as an adornment and the nurses’ uniform in a hilarious and indecent scene tarnish and insult the sacred regard, nurses have of these- the symbols of our long tradition of caring.
"We respectfully demand from the movie production that the movie snippets be taken out of circulation; edit the whole movie and the scene/s be removed before release."
Agad na sinagot ni Yap ang reklamo ng PNA.
Aniya, “Marami akong kaibigang Nurses, marami rin akong kamag-anak na Nurses.
“Ang kaisa-isa kong kapatid ay isang nurse. Ikararangal nila ang pagganap ng nurses sa pelikulang ito; mga nurses na hindi nagiging nurse dahil lang sa kasuotan— Nurses—dahil higit ang kalidad ng pang-unawa.”
Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.