Direktor ng Tililing na si Darryl Yap, may sagot sa tweet ni Liza Soberano

by PEP Troika
Feb 8, 2021
Direk Darryl Yap to Liza Soberano: "Ang iyong pag-asa na sana’y makapagbigay liwanag ang aming pelikula sa pagpapalawak ng kaalaman sa pangkalusugang pangkaisipan ay hindi masasayang, HINDI KA NAMIN BIBIGUIN."
PHOTO/S: Noel Orsal / @lizasoberano on Instagram

JERRY OLEA

Andaming nag-react sa tweet ni Liza Soberano nitong Pebrero 8, Lunes ng umaga, kaugnay sa poster ng pelikulang Tililing.

“Really hoping that this movie will spread awareness and enlighten us on the struggles of dealing with mental health. But the poster? It’s a no for me. Mental health is NOT a joke. Stop the stigma,” tweet ni Liza.

Sa storycon pa lang ng Tililing noong Oktubre 2019 ay labas-dila na ang mga bidang sina Baron Geisler, Gina Pareño, at Chad Kinis, maging ang co-stars nila.

Tililing poster

Continue reading below ↓

Bago mag-alas dose ng tanghali, may sagot na kay Liza ang direktor ng Tililing na si Darryl Yap.

Post ni Direk Darryl sa Facebook page ng VinCentiments:

“Sa iyo Miss Liza Soberano,

“Ang iyong pag-asa na sana’y makapagbigay liwanag ang aming pelikula sa pagpapalawak ng kaalaman sa pangkalusugang pangkaisipan ay hindi masasayang, HINDI KA NAMIN BIBIGUIN.

“Ang aking mga artista sa pelikulang ito ay nagdaan sa mga pagsubok na nagpatatag din sa kanilang kalusugang pangkaisipan, sigurado kaming hindi nila tatanggapin ang isang proyektong ikapapahamak ng kanilang prinsipyo at pagkatao; Matatalino ang aking mga artista, at matapang ang kanilang direktor.

“Kapag napanood niyo na po ang #Tililing ay mauunawaan ninyo bakit ito ang titulo, bakit nakalabas ang kanilang dila; at bakit namin tinitindigan ang kalidad at mensahe ng pelikula.

“Kaisa po ninyo kami sa inyong adbokasiya. Maraming Salamat po.”

Continue reading below ↓

Kapagkuwan ay nag-post si Baron Geisler sa Facebook bilang suporta sa paliwanag ni Direk Darryl.

Ani Baron, “Di siguro Alam ng mga Tao na I was once a PMHA Cebu warrior. I still battle with the sickness everyday and it's no joke to wake up and fight for your life EVERY SINGLE DAY.

“Funny because on Feb 14 me and my wife Jamie Marie Geisler will be going to Davao for a radio tour on mental health. Weird or swak at sakto lalbas din ang #Tililing #fightthestigma #CarryOn #YouAreNotAlone #bekindtooneanother”

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Ganundin si Candy Pangilinan na bahagi rin sa pelikulang ito. Itong mental health din ang advocacy niya.

May commercial na nga sila ng kanyang anak.

Eto lang ang nakakaaliw, nagsisimula pa lang mag-promote ang pelikulang ito, at “nagamit” na si Liza Soberano.

JERRY OLEA

Sumagot si Liza sa mensahe ni Baron, at sinabing na-misinterpret lang marahil ang kanyang intensiyon.

Mensahe ng Kapamilya actress: "Thank you kuya Baron for the kind words and sorry if I have offended anyone. I’m afraid my intentions were misinterpreted.

"I always want the best for films that tap into mental health, so I wish this film all the best. Looking forward to seeing it."

NOEL FERRER

Alam na natin ang style—gugulatin tayo sa kakaibang publicity, 'tapos sasabihing i-consume o tingnan ang produkto para makuha ang punto.

Wala itong ipinagkaiba sa softdrink commercial na nag-viral din kamakailan.

In the end, tanggalin ang ganitong publisidad at mag-focus sa aktwal na output/materyal, tingnan natin kung tatangkilikin ito at magtatagal sa consciousness ng mga tao.

Continue reading below ↓

Teka, yung softdrink na ang commercial ay nag-viral, ininom niyo ba?

Yung Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar, naging major revolutionary hit?

Tingnan natin kung saan hahantong itong Tililing pagkatapos ng ingay na ito.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Direk Darryl Yap to Liza Soberano: "Ang iyong pag-asa na sana’y makapagbigay liwanag ang aming pelikula sa pagpapalawak ng kaalaman sa pangkalusugang pangkaisipan ay hindi masasayang, HINDI KA NAMIN BIBIGUIN."
PHOTO/S: Noel Orsal / @lizasoberano on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results