PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mahal, posible bang ma-in love kay Mygz Molino?

Mahal, ayaw malaman ng publiko ang dahilan kung bakit naghiwalay sila ng dating asawa.
by Jojo Gabinete
Published Feb 28, 2021
Mahal on friendship with Mygz Molino: "Panghabampanahon ang friendship namin. Mabait siya, matulungin saka makulit siya. Marunong mag-good morning at natutunan ko sa kanya na kailangan kong mag-ipon ng pera."
PHOTO/S: @mygz.molino on Instagram

“Depende, ang pagmamahal ko sa kanya ngayon, kaibigan lang.”

Ito ang sagot ni Mahal nang tanungin ng Cabinet Files tungkol sa posibilidad na ma-in love siya kay Mygz Molino, ang 35-year-old YouTuber na kasama niya sa bahay at nag-aalaga sa kanya sa kasalukuyan.

Hindi sineseryoso ng ibang mga tao si Mahal.

Pinagtatawanan at pinaglalaruan siya dahil nakalimutan nilang maliban sa kanyang height, normal, marunong magmahal at masaktan ang 46-year-old comedienne. Iniiyakan din niya ang mga panglalait na nababasa niya sa social media.

Naranasan ni Mahal na magmahal at magpakasal noong November 1, 2015 sa isang Jobbie Hebrio, pero isang taon lamang ang itinagal ng kanilang pagsasama.

Nakiusap si Mahal na huwag nang isulat ang sanhi ng paghihiwalay nila ni Jobbie. Pero kung malalaman ito ng publiko, tiyak na makukuha niya ang simpatiya ng lahat dahil sa kanyang napakalungkot na pinagdaanan.

Ang naranasan noon ni Mahal ang dahilan para matakot siyang muling magmahal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yes, naka-recover na ako," sabi niya.

"Nagpagawa kami ng papers na wala na kaming pakialaman ni Jobbie. Wala na kaming communication. Hindi rin siya nag-sorry sa akin."

May balak ka bang magmahal muli?

Sagot ni Mahal, "Hindi na siguro kasi kailangan kong tulungan ang pamilya ko.

"Saka natakot na ako… baka kasi…" sagot ni Mahal, na hindi na itinuloy ang kanyang sasabihin dahil sa kagustuhang kalimutan na ang malungkot na nakaraan.

UNCONDITIONAL LOVE

Nagkakilala sina Mygz at Mahal sa isang show sa Abra noong 2010. Pero dahil nagpakasal ang comedienne, matagal silang nawalan ng komunikasyon.

Muling nabuhay ang pagiging magkaibigan ng dalawa noong nakaraang taon habang malaki ang problema ng buong mundo sa coronavirus pandemic.

Si Mygz ang may idea na magsama sila ni Mahal sa bahay na tinitirhan niya sa Marikina City, at pumayag naman ang pamilya ng comedienne.

Ayon kay Mahal, buong-buo at malaki ang tiwala niya kay Mygz dahil sa unconditional love na ipinakikita at ipinararamdam sa kanya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Malaki ang tiwala ko kay Mygz, siguro mga 100%. Panghabampanahon ang friendship namin.

"Mabait siya, matulungin saka makulit siya. Marunong mag-good morning at natutunan ko sa kanya na kailangan kong mag-ipon ng pera."

Ano ang mensahe mo para kay Mygz?

"Thank you very much, huwag ka sanang magsawa, at mapagod, kahit uugod-ugod na ako. Gusto ko nandiyan ka palagi para sa akin," saad ni Mahal.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mahal on friendship with Mygz Molino: "Panghabampanahon ang friendship namin. Mabait siya, matulungin saka makulit siya. Marunong mag-good morning at natutunan ko sa kanya na kailangan kong mag-ipon ng pera."
PHOTO/S: @mygz.molino on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results