Dingdong Avanzado pasok bilang bagong co-host ng Happy Time

by Jojo Gabinete
Mar 12, 2021
Singer Dingdong Avanzado will join the gang of NET 25's Happy Time starting this Monday, March 15.
PHOTO/S: @dingdongavanzado on Instagram

Si Dingdong Avanzado ang bagong co-host nina Anjo Yllana, Boobsie, at CJ Hirro sa Happy Time.

Magsisimula ang participation niya sa noontime show ng NET 25 sa Lunes, March 15.

Nakapag-taping na si Dingdong, at ang pagpasok niya sa Happy Time ang confirmation na hindi na magbabalik ang kanyang kapwa singer-actor na si Janno Gibbs sa naturang programa.

Ito ang teaser ad na inilabas ng NET 25 tungkol sa bagong co-host ng Happy Time:

"Kung nanood kayo ng Happy Time kanina, sino ang bagong makakasama nina Anjo Yllana, CJ Hirro, at Boobsie Wonderland simula Lunes, Marso 16, sa pinakwelang noontime show ng #NET25."

Net25 teases new co host for Happy Time

Continue reading below ↓

Marami ang nakahulang si Dingdong ang bagong mainstay ng programa.

Nagkamali lang ang Net25 dahil March 15, at hindi March 16, ang petsa sa darating na Lunes.

May mga nagalak dahil kasali na si Dingdong sa Happy Time, pero may mga nalungkot dahil hindi kasama sa teaser ad ang pangalan ni Mico Aytona.

Ilang linggong napanood na co-host si Mico mula nang magkaalitan at mawala sina Janno at Kitkat sa programa.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer Dingdong Avanzado will join the gang of NET 25's Happy Time starting this Monday, March 15.
PHOTO/S: @dingdongavanzado on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results