Inilabas ng singer na si Katrina Velarde ang kanyang bagong larawan pagkatapos sumailalim sa rhinoplasty procedure o nose job noong unang unang linggo ng Marso 2021.
"Tagumpay ang plano. Officially Robot. Tagilid-tagilid muna tayo. I’m so happy sa rhinoplasty ko!!! Thank you so much Dra.Maika Slatenšek,” ang caption ni Katrina sa kanyang Facebook post tungkol sa kanyang new look.
May downtime period na five days hanggang two weeks ang rhinoplasty.
Ang mga kapwa singer na sina Rhap Salazar at Alyssa Quijano ang ilan sa mga pumuri sa transformation ni Katrina, na tuwang-tuwa dahil gandang-ganda siya sa pagkakagawa ng doktor sa ilong niya. Nadagdagan raw ang kanyang self-confidence.
Inaasahan na lalong magiging matangos at manipis ang ilong ni Katrina kapag tuluyan nang nawala ang pamamaga nito.
Nag-post din ang 27-year-old singer sa Facebook page nito ng video habang kumakanta siya ilang araw pagkatapos ng operasyon. Isang pagpapatunay ito na walang epekto sa kanyang singing voice ang rhinoplasty procedure.
Isa si Katrina sa mga hurado ng Born to be a Star kaya bago sumailalim sa cosmetic surgery, tiniyak niya na hindi magkakaroon ng conflict sa taping ng Saturday night reality-singing competition ng TV5 ang kanyang beauty-transformation project.
Taong 2013 nang nag-viral si Katrina habang kinakanta ang "Dangerously in Love" ni Beyonce nang nagsusuklay. Dahil dito, bansagan siyang Suklay Diva.
Taong 2012 nang nag-audition siya sa The X Factor Philippines; taong 2011 naman nang sumali siya sa Talentadong Pinoy bilang miyembro ng grupong New Born Divas, kung saan kasama niya sina Alyssa at Jennifer Maravilla.