PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Curfew and lockdown return amid spike in new cases

Bilang ng nagpopositibo sa COVID-19, bigla na namang tumaas.
by Jojo Gabinete
Published Mar 15, 2021
Sa unang anibersaryo ng pagpapatupad ng enforced quarantine sa Pilipinas, nakakaalarma ang muling pagtaas ng COVID-19 cases. Ito ang dahilan kaya muling nagpatupad ng curfew sa Metro Manila, at may lockdown na naman sa ilang lugar sa Manila at Makati City.
PHOTO/S: Jerome Ascano

Isang taon na ngayong araw, March 15, ang nakalilipas buhat nang ipatupad ni President Rodrigo Duterte ang enforced quarantine sa Luzon bilang pag-iingat laban sa matinding banta ng coronavirus pandemic.

Umiral sa publiko ang takot dahil hindi pa kumpleto noon ang mga impormasyon tungkol sa isang kaaway ng kalusugan na hindi nakikita, bago sa lahat ang malaking problema, at hindi pa natutuklasan ang vaccine na lunas sa virus na binigyan ng pangalang COVID-19.

Malaki ang epekto sa ekonomiya at sa pamumuhay ng mga tao sa buong mundo ang perhuwisyong bitbit ng COVID-19, na lalong nararamdaman habang tumatagal.

Ilang araw bago gunitain ang anibersaryo ng deklarasyon ng enforced quarantine sa Luzon, panibago at higit na pangamba ang dulot sa mga Pilipino ng pandemya dahil sa kabila ng pagkakaroon ng bakuna, patuloy na tumataas ang mga kaso ng COVID-19 sa maraming lugar.

Ang COVID-19 variant na natuklasan ang pinaniniwalaang ugat ng mabilis na pagkalat, hindi lamang sa ating bansa kundi sa buong mundo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Muling nadagdagan ang kaso ng COVID-19 sa Italy dahil sa coronavirus variant kaya pinaghahanda ang mga residente sa ipatutupad na Easter lockdown ng pamahalaan.

Ang contagious strains ng COVID-19 ang nagtulak sa pamahalaan ng Japan para magdeklara ng state of emergency sa greater Tokyo area at isara sa mga turista ang kanilang borders hanggang sa March 21, 2021.

Simula ngayong gabi, March 15 hanggang March 31, muling paiiralin sa Metro Manila ang curfew (10 p.m. to 5 a.m.) dahil sa lubhang nakababahalang pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19.

Ngayong umaga, ipinag-utos ni Mayor Isko Moreno na isailalim sa lockdown ang anim na barangay sa Maynila dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.

Ito ay ang Barangay 185 Zone 16, Tondo 2; Barangay 374 Zone 38, Sta. Cruz; Barangay 521 Zone 52, Sampaloc; Barangay 628 Zone 63, Sta. Mesa; Barangay 675 Zone 74, Paco; at Barangay 847 Zone 92, Pandacan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong weekend, ipinatupad ni Mayor Abby Binay ang lockdown (March 13 to March 16) sa dalawang kritikal na lugar sa Makati City—ang Zone 1 at Zone 2 para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus.

Sa Quezon City, muling ipinasara ni Mayor Joy Belmonte ang mga gym, spa, at Internet cafes mula March 15 hanggang March 31.

Suspendido rin ang pagbebenta sa Quezon City ng alcoholic beverages dahil sa liquor ban na ipinag-utos ni Belmonte.

Ang COVID-19 spike ang pangunahing dahilan kaya tinutulan ng mga alkalde sa Metro Manila ang rekomendasyon ng Department of Trade and Industry na buksan sa publiko (25% seating capacity) ang mga sinehan noong March 5, 2021.

Malaki ang epekto sa TV and movie industry ng bagong paghihigpit para maprotektahan ang lahat laban sa COVID-19 dahil hindi pumayag ang local government units na magbigay ng permit sa mga movie at TV production kaya may mga TV series at pelikulang naantala ang taping at shooting.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tunay na nakakaalarma ang mabilis na pagkalat at mataas na bilang ng mga kaso ng COVID-19. Kaya mahigpit na ipinapaalaala sa lahat na mag-ingat, lumabas lamang ng bahay kung talagang importante at kailangan ang gagawin, magsuot ng face mask, face shield, at ituring na best friend at lotion ang mga sanitary alcohol, magkaroon ng malasakit sa kapwa, huwag maging pasaway, at ipagpatuloy ang taimtim na pagdarasal na matapos na ang pandemyang may hatid na mahalagang aral para sa sanlibutan.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa unang anibersaryo ng pagpapatupad ng enforced quarantine sa Pilipinas, nakakaalarma ang muling pagtaas ng COVID-19 cases. Ito ang dahilan kaya muling nagpatupad ng curfew sa Metro Manila, at may lockdown na naman sa ilang lugar sa Manila at Makati City.
PHOTO/S: Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results