Samantha Bernardo, pasabog ang "Granada Walk" sa swimsuit competition ng Miss Grand International 2020

by Jojo Gabinete
Mar 20, 2021
Samantha Bernardo is the our country's representative at the Miss Grand International 2020 in Bangkok, Thailand. The grand coronation will be held on March 27, 2021.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

"Granada Walk" ang tawag ni Miss Grand Philippines Samantha Bernardo sa pagrampa niya sa swimsuit competition ng 8th Miss Grand International na nangyari sa roofdeck ng Lebua State Tower Bangkok, Thailand, nitong Sabado ng umaga, March 20.

May paliwanag siya tungkol sa pangalan ng paglakad na ginawa niya.

“I hope you guys love my Granada walk. I named it after Grand and, of course, it’s like a bomb whenever I walk,” sabi ng 28-year-old Filipina beauty tungkol sa kanyang pinupuring Granada Walk habang nasa buffet lunch sila ng mga kapwa niya kandidata pagkatapos ng swimsuit competition na kanilang nilahukan.

Nakababahala ang sponsored buffet lunch na pinuntahan ng official candidates ng Miss Grand International. Maliban kay Miss Grand Cambodia, walang suot na face mask ang mga contestant at hindi sila sumusunod sa mahigpit na ipinatutupad na physical distancing bilang proteksiyon laban sa banta ng coronavirus.

At any rate, may paliwanag din si Samantha tungkol white fishnet-inspired gown na ginamit niya sa international beauty pageant na kanyang sinalihan.

Continue reading below ↓

Tubong-Palawan si Samantha kaya ang gown nito sa Miss Grand International ang isang tribute niya sa lugar na kanyang pinagmulan.

“This dress depicts the sublime island of my hometown, Palawan.

“The details. Fishnets & fishscales that reveal the marine richness the island proudly exudes.

“Flawlessly handcrafted beadings which clandestinely bares the map of the island. “ And the sheer radiance of white. The luminous glow which impeccably pictures the pristine white beaches and waters of Palawan.This gown describes the last frontier of the Philippines.

Continue reading below ↓

“PALAWAN, its pristine beauty, purity, and glory captured, inspired, and seized by this dress,” sabi ni Samantha sa kanyang Instagram post.

Si Samantha ang appointed candidate ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) sa 8th Miss Grand International.

Ito ang dahilan kaya hindi na siya kasali sa 57th edition ng Binibining Pilipinas na magaganap sa May 2021.

Continue reading below ↓

Kung hindi si Samantha ang handpicked candidate ng BPCI para sa Miss Grand International, pangatlong beses na sanang pagsali niya sa Binibining Pilipinas dahil naging kandidata na siya noong 2018 at 2019.

Si Samantha ang second runner-up sa 55th Binibining Pilipinas noong 2018, at second runner-up uli ang kanyang puwesto sa 56th Binibining Pilipinas noong 2019.

Umaasa ang fans at supporters ni Samantha na makakatulong ang kanyang mga karanasan sa Binibining Pilipinas para makuha niya ang korona ng Miss Grand International.

Pero magiging masaya na rin sila kung tatanghalin siyang second runner-up dahil baka ito talaga ang tadhana ng 28-year-old Palawan lass.

MORE CABINET FILES STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Samantha Bernardo is the our country's representative at the Miss Grand International 2020 in Bangkok, Thailand. The grand coronation will be held on March 27, 2021.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results