Pasabog na "Granada Walk" ni Samantha Bernardo, patok sa pageant aficionados

by Jojo Gabinete
Mar 21, 2021
Sina Miss Grand Philippines Samantha Bernardo (kaliwa) at Miss Grand Cambodia Chivly Liv (kanan) ang nakakuha ng pinakamaraming likes sa Best in Swimsuits competition ng Miss Grand International 2020.
PHOTO/S: Miss Grand International Facebook

Nagtagumpay si Miss Grand Philippines Samantha Bernardo na makuha ang atensiyon ng beauty pageant fans dahil sa kanyang "Granada Walk" sa swimsuit competition ng Miss Grand International 2020 na ginanap sa Lebua State Tower, Bangkok, Thailand, kahapon, March 20.

Ang trending Granada Walk ni Samantha ang naging instrumento para suportahan siya ng ating mga kababayan at ng netizens mula sa iba’t ibang bansa na bumilib sa kanyang pasabog pero harmless na pagrampa.

Ang netizens ang pipili sa Top 20 Best in Swimsuits Competition sa pamamagitan ng pagboto sa official Facebook page ng Miss Grand International.

Nagsimula ngayong araw, March 21, 12 p.m., ang botohan at matatapos ito bukas, March 22, 8 p.m.

Napakalaki ng tsansa ni Samantha mapabilang sa Top 20 Best in Swimsuits Competition at malaki ang posibilidad na makuha niya ang number one slot dahil siya ang nangunguna sa mga kandidatang may pinakamaraming likes.

At press time, may 249,000 likes ang swimsuit photo ni Samantha.

Continue reading below ↓

Napakalayo ng agwat niya kay Miss Grand Cambodia na pumapangalawa sa kanya with 142,000 likes.

Libangan na ng mga masisipag at maaasahang Pilipino ang lumahok sa online voting ng international beauty pageants kaya dalawa lamang sina Aileen Damiles at Abbygale Arenas sa former beauty queens na nakinabang dito.

Magkasunod na taon (1996 at 1997) na nanalo sina Aileen at Abbygale na Miss Photogenic sa Miss Universe dahil Internet voting ang ginamit na basehan noon sa pagpili ng magwawagi.

Malaking tulong din ang brilliant idea ni Samantha na bansagan ng "Granada Walk" ang kanyang pagrampa sa swimsuit competition dahil napukaw niya ang atensiyon ng mga Pinoy, kaya isa na siya ngayon sa mga top contenders para sa korona ng Miss Grand International.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sina Miss Grand Philippines Samantha Bernardo (kaliwa) at Miss Grand Cambodia Chivly Liv (kanan) ang nakakuha ng pinakamaraming likes sa Best in Swimsuits competition ng Miss Grand International 2020.
PHOTO/S: Miss Grand International Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results