PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mark Anthony Fernandez on separation from his two wives

Mark Anthony, sinabi ang dahilan ng di pagkakatuloy ng pelikula nila ni Claudine.
by Jojo Gabinete
Published Mar 21, 2021
Mark Anthony Fernandez on possibility of joining politics: "E, malay mo, maging kasinlaki natin si Tito Ron [Fernando Poe Jr.], makatsamba tayo. E, di ibig sabihin, baka pwede tayong maging pang-presidente?"
PHOTO/S: Screen grab from Moments

May mga bago at kontrobersiyal na rebelasyon si Mark Anthony Fernandez sa one-on-one interview sa kanya ni Gladys Reyes sa programa nito sa Net25, ang Moments.

Una, hindi natuloy noon ang reunion movie nila ng kanyang ex-girlfriend na si Claudine Barretto dahil nagkaroon daw ng problema, kahit parehong gustung-gusto nila na magsama sa isang proyekto.

Sabi ni Mark, “Dapat meron na. Ang problema, nagkaproblema yata sa some sort of yes and no, so hindi natuloy.

"E, nagkaproblema sa yes and no, ewan ko naman kung bakit. Isang simpleng oo, bakit hindi, di ba, o palitan natin ang script. E, umabot kung saan-saan.

“Sa loob-loob ko nga, kung gusto nila na matuloy ‘yon, si Claudine, eager din siyang gawin ‘yon, sa loob-loob ko, siya na lang ang mag-produce. Mayaman naman siya, e.”

Ang aborted movie project nila ni Claudine ay ang Untrue (2019). Natuloy ito pero hindi sila ang mga bida kundi sina Xian Lim at Cristine Reyes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON BEING A FATHER...

Nang kumustahin ni Gladys ang kanyang parenting style, sinabi ni Mark na gusto niyang maging isang mabuting ama pero may mga pangyayari raw na hindi niya saklaw.

Sabi niya, "Gusto ko talagang maging good father.

"Pero yung buong circumstances, parang pakiramdam ko, hindi ko kasalanan yung paghihiwalay namin nung nanay—yung first wife, second wife.

"For me, sila ang may mali."

Hindi na nagdetalye si Mark tungkol dito.

Pero pagkatapos nilang maghiwalay ng kanyang asawang si Melissa Fernandez ay nagkaroon siya ng non-showbiz partner.

DREAM MOVIES

Tungkol naman sa kanyang acting career, pangarap ni Mark makagawa ng isang comedy movie kaya gusto niyang maging lead actor sa remake ng Starzan, ang 1989 film na pinagbidahan ni Joey de Leon.

Ipinagtapat din ni Mark ang plano noong magbida sa remake naman ng isang pelikula ng kanyang yumaong ama na si Rudy Fernandez, pero hindi ito natuloy dahil hindi pa siya handa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kung si Mark ang papipiliin, ang Somewhere (1984) at Lumuhod Ka sa Lupa! (1986) ang mga pelikula ni Rudy na gusto niyang gawin at pagbidahan.

MARK ON POLITICS

At ang intriguing revelation ni Mark? Ang posibilidad na pumasok siya sa mundo ng pulitika kapag may humikayat sa kanya.

“Medyo mababang posisyon lang. With regard to humor, kung hindi mababa, baka super-taas.

“Di ba si Tito Ronnie Poe, si Da King, kumbaga dahil sikat na sikat siya, pwede siyang magpresidente.

“At bakit umuupo ang ibang mga pulitiko natin dahil meron silang special talent? E, malay mo, maging kasinlaki natin si Tito Ron, makatsamba tayo.

“E, di ibig sabihin, baka pwede tayong maging pang-presidente?”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Anthony Fernandez on possibility of joining politics: "E, malay mo, maging kasinlaki natin si Tito Ron [Fernando Poe Jr.], makatsamba tayo. E, di ibig sabihin, baka pwede tayong maging pang-presidente?"
PHOTO/S: Screen grab from Moments
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results