Miss Grand International president Nawat Itsaragrisil, sentro ng bashing

by Jojo Gabinete
Mar 28, 2021
Samantha Bernardo with Nawat Itsaragrisil and other Miss Grand International 2020 candidates.
Ang Miss Grand International president na si Nawat Itsaragrisil (naka-black jacket) ang sinisisi ng ilang netizens sa hindi pagkapanalo ni Miss Grand Philipppines Samantha Bernardo (nasa kaliwa ni Nawat) ng korona ng Miss Grand International 2020.
PHOTO/S: @missgrandinternational Instagram

Bukal sa loob na tinanggap ni Samantha Bernardo ang resulta na first runner-up siya sa 8th Miss Grand International na ginanap kagabi, March 27, sa Bangkok, Thailand.

Malinaw ito sa kanyang Instagram post ngayong Linggo ng hapon, March 28:

“This is the message I want to share to everyone as your Miss Grand International.

"My purpose here is to be a symbol of hope, compassion and unity. I know I did my best and I have lived up to my purpose. I hope I made you proud again Philippines.

"Isang karangalan Mahal Kong Pilipinas."

Kung maligaya si Samantha sa naging desisyon ng mga hurado, hindi ang mga kababayan nating naniniwalang si Samantha at hindi si Miss Grand International Abena Appiah ng USA ang karapat-dapat manalo.

Kasabay ng coronation night sa Bangkok ng Miss Grand International ang announcement sa Pilipinas ng muling pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila, Laguna, Bulacan, Rizal, at Cavite dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19.

Nagalit at nadismaya ang karamihan sa pagbabalik ng ECQ, at tila ang resulta ng Miss Grand International ang napagbuntunan ng kanilang kinikimkim na poot.

As of press time, may 58,000 comments sa official facebook page ng Miss Grand International tungkol sa coronation night. Nangingibabaw ang mga batikos mula sa mga Pilipino dahil sa kanilang paniniwalang si Samantha ang tunay at karapat-dapat nanalo.

Ang Miss Grand International President na si Nawat Itsaragrisil ang sinisisi sa nangyari kaya siya ang sentro ng mga basher, hindi lamang ng mga Pilipino kundi pati ng ibang lahi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Angkol” ang nakasanayang tawag kay Nawat na nagpasyang magkaroon ng tie-breaker question dahil pareho o tabla umano ang mga score nina Samantha, Abena, at ni Miss Guatemala Ivana Batchelor.

Kung bakit at paano, tanging siya lamang ang nakakaalam.

Si Samantha ang nagbigay ng pinakanakakabilib na sagot sa tie-breaker question pero si Abena ang itinanghal na Miss Grand International kaya pinaratangan na isang “cooking show” ang beauty pageant na itinatag ni Nawat noong 2013.

Isang Filipino beauty pageant authority ang nagsabing mahihirapan ang Pilipinas mapanalunan ang korona ng Miss Grand International.

Dahil diumano, noon pa man, hindi nagustuhan ni Nawat ang mga below-the-belt na batikos sa kanya mula nang ilunsad niya ang naturang beauty contest.

Nakararating kay Nawat ang lahat ng mga komento sa official Facebook page ng Miss Grand International kaya alam niyang wagas ang panglalait sa kanya ng Filipino beauty pageant aficionados.

Pero kung paiiralin ni Nawat ang malawak na pang-unawa, malaki ang dapat ipagpasalamat niya sa mga Pilipinong sinuportahan ang kanyang itinatag na beauty pageant.

Naging maingay ang Miss Grand International dahil sa mga Pilipino na libangan na ang manood ng mga beauty contest at suportahan ang mga kandidata ng Pilipinas sa pamamagitan ng malawakang online voting.

Kumbinsido ang mga Pilipino na si Samantha ang dapat nagwagi dahil sa ipinamalas niyang husay sa question and answer, swimsuit, at evening competition.

Kung sapat ang kaalaman ni Nawat tungkol sa kultura at ugali ng mga Pilipino, alam niya na kung hindi mahusay ang kandidata ng Pilipinas, mismong ang mga kababayan nito ang manglalait sa kanya, tulad ng ginagawang pagbatikos ng mga Pinoy sa mga inutil na pulitiko at government officials ng bansa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Maaaring nasaktan si Nawat sa panawagan ng mga Pilipino na i-boycott at huwag nang magpadala ng mga kandidata sa Miss Grand International.

But then again, kung tunay na kilala ni Nawat ang mga Pilipino, alam niyang “eklay “ at “ char” lang ng passionate and emotional Pinoys ang panawagan na boycott.

Likas na mapagpatawad at maiksi ang memorya ng mga Pilipino.

Dahil kung sumisigaw man sila ngayon ng boycott, sigurado namang susuportahan at panonoorin pa rin nila ang Miss Grand International sa susunod na taon.

Bilang bahagi ng kultura at ugali ng mga Pinoy ang sobrang pagkahilig sa mga beauty pageant, may kredibilidad man o wala.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang Miss Grand International president na si Nawat Itsaragrisil (naka-black jacket) ang sinisisi ng ilang netizens sa hindi pagkapanalo ni Miss Grand Philipppines Samantha Bernardo (nasa kaliwa ni Nawat) ng korona ng Miss Grand International 2020.
PHOTO/S: @missgrandinternational Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results