PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Danny Ramos, ipina-Tulfo ng stepsister

Danny Ramos, masama ang loob sa pagpapa-Tulfo sa kanya ng kapatid.
by Jojo Gabinete
Published Apr 12, 2021
Nagpaliwanag ang aktor na si Danny Ramos (kanan) kaugnay ng alegasyong pambubugbog ng kanyang stepsister na si Danica Robelas (kaliwa).
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Mahaba ang paliwanag ng aktor na si Danny Ramos tungkol sa hidwaan nila ng kanyang 21-year-old half-sister na si Danica Robelas, na pinaratangan siya ng pambubugbog.

Masamang-masama ang loob ni Danny dahil “ipina-Tulfo” siya ng kapatid niya noong nakaraang linggo, at nangako si Raffy Tulfo na ito ang gagastos sa demandang isasampa ni Danica laban sa kapatid na aktor.

Reklamo ni Danica, “Hindi naman po yata tama na sa edad ko na 21 years old, binubugbog pa po niya ako.

"Hindi ho yun ang unang beses na sinaktan niya ako. Maraming beses na ho, Sir Raffy, maraming beses ko na rin siyang pinatawad, kahit hindi siya humihingi ng tawad. Kami yung nag-a-adjust sa kanya.”

Naghahangad si Danica na makakuha ng Temporary Restraining Order (TRO) mula sa korte para hindi na makalapit si Danny sa kanya.

"Kuya, nagpapasalamat ako sa lahat ng ginawa mo sa akin, sa lahat ng ibinigay mo sa amin. Pero kahit tanungin mo si Ate, yung mga bata, ayaw ka na namin makasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pagod na pagod na kami! Ayaw ka na namin makita, sukang-suka na ako dahil lagi kang nananakit!" umiiyak na pahayag ni Danica.

Ayon kay Danica, huling nangyari ang pambubugbog sa kanya ni Danny noong April 3, 2021.

DANNY RAMOS FACEBOOK POST

Ngayong Lunes ng gabi, April 12, ginamit ni Danny ang kanyang Facebook page para humingi ng pang-unawa, paumanhin, at magpaliwanag tungkol sa hindi nila pagkakaunawaan ng half-sister niya.

Ito ang bahagi ng pagtatanggol ni Danny sa sarili:

“I would like to make an apology to everyone, especially to all my friends, family, and to my step-sister na nagagalit sa akin ngayon dahil sa nangyayari ngayon na di pagkakaintindihan..

“This is just a misunderstanding within the family. Oo I admit na mali ako the way I disciplined all my love ones. I admit na namalo ako using a belt, pero hindi ako NAMBUGBOG. There's a FINE LINE between bugbog and palo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Namamalo ako maybe na-adapt ko yung way ng pagdidisiplina sa akin ng mga magulang ko dati which is naging maganda naman ang resulta sa akin.

"And as far as I know, naging mabuting tao naman ako. And I am what I am now, because of the way my parents disciplined us when we were young. At hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa aking mga magulang...

“I know na hindi karapatan ng step-brother na paluin ang kaniyang step-sister, but I became a father figure ever since na naging breadwinner ako ng family at lalo na ng magkasakit na aneurysm ang mother ko. She is now bedridden and unable to speak and eat by herself.. that's why I felt that I need to take over and be a more disiplinarian brother to all of them..

“And I know naman na mali ako dahil naging overprotective ako. Ang gusto ko lang naman ay ang mapabuti ang buhay ng mga pamangkin ko, step-sister ko, at anak ko. I am doing my best na pag-aralin sila sa magandang school to give them a good life.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“All I thought was ginawa ko lang best ko, but it turned out the wrong way. I became a stern disciplinarian 'kontrabida' in the end.

“Binigay ko ang lahat ng makakaya ko para bigyan sila ng magandang buhay. Ginawa ko silang obligasyon ko sa buhay ko to the point na hindi na ako nakapag- asawa ng maaga.

“Kung minsan sa dami ng responsibilities ko as a breadwinner, I use belt to discipline them kapag nadi-disappoint ako. Pasensya na kayong lahat kung sa tingin n’yo na nagkamali ako...

“Pero I would like to reiterate this na namalo lang ako at hindi nambugbog. Namalo ako using a belt at hindi nambugbog using my knuckles."

Pagpapatuloy ni Danny, “There's no need for TRO 'restraining order.'

“I disciplined the wrong way and I thought it was the right thing to do. I learned my lesson and I won't do that again DAHIL ako na ang lalayo FOR GOOD. I don’t need to discipline anyone again. So there' no need for TRO.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pakiusap TAMA NATO! nasira nako. NASAKTAN DIN ANG KALOOBAN KO... TUMULONG LANG AKO SA ABOT NG MAKAKAYA KO, BAKIT KAILANGAN PA UMABOT SA GANITO! Stop nyo na ‘yun part 2 nasisira lang lalo ang buhay ng pamilya ito.

“I hope everything will be settled within the family and not in social media (Tulfo). Nasira at gumuho lahat ng pangarap ko for the family. After everything that has happened, mas magandang manahimik at lumayo na lang ako. SANA DI NA LANG AKO TUMULONG AT SARILI KO NA LANG ININTINDI KO. sa huli ako pa pinasama... pwede naman ayusin sa maayos na paraan ito...”

ELIZABETH'S FORMER LOVER

Naging aktibo si Danny sa local entertainment industry noong dekada ’90.

Ang Midnight Dancers ang kanyang unang pelikula noong 1994.

Nakilala si Danny bilang karelasyon ng veteran actress na si Elizabeth Oropesa. Nagsimula ang kanilang relasyon sa set ng 1999 movie na Mister Mo, Lover Ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Elizabeth Oropesa, Danny Ramos in Midnight Dancers

Tatlong taon lamang ang itinagal ng relasyon nina Danny at Elizabeth.

Sa isang interbyu noong January 2003, sinabi ni Danny na “devastated” siya sa pagpapakasal ni Elizabeth sa ibang lalake at nangyari ito habang nagtatrabaho siya bilang male entertainer sa Japan.

Ayon kay Danny, nasaktan siya dahil sinabi sa kanya ni Elizabeth na siya na ang huling lalake sa buhay ng aktres. Diumano, inalok niya noon ng kasal si Elizabeth pero hindi ito pumayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagpaliwanag ang aktor na si Danny Ramos (kanan) kaugnay ng alegasyong pambubugbog ng kanyang stepsister na si Danica Robelas (kaliwa).
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results