PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Elizabeth Oropesa on Danny Ramos physical abuse allegation

Elizabeth to Danny: "Many of us who knows the real you will not judge you."
by PEP Troika
Published Apr 13, 2021
Nagkamabutihan sina Elizabeth Oropesa at Danny Ramos (center) nang magkatrabaho sa pelikulang Mister Mo, Lover Ko noong 1999. Fast forward to present time, may liham si Elizabeth para kay Danny na sangkot ngayon sa isang kontrobersiya.
PHOTO/S: Elizabeth Oropesa / Mister Mo, Lover Ko BTS / CTTO

JERRY OLEA

Ipina-Tulfo ang '90s actor na si Danny Ramos ng kanyang 21 anyos na stepsister na si Danica Robelas.

Ayon kay Danica, sa edad niyang 21 anyos ay binubugbog umano siya ni Danny kaya hindi na raw niya maatim na makasama ang aktor.

Inilahad ni Danny ang kanyang panig sa Facebook nitong Abril 12, Martes ng gabi.

Depensa ni Danny, hindi siya nambubugbog kundi namamalo raw ng sinturon bilang paraan umano niya ng "pagdidisiplina" sa stepsister na kanya raw binibigyan ng pinansiyal na sustento.

Nangako naman si Danny na hindi na uulitin ang pamamalo ng sinturon. Kusa rin daw siyang lalayo kay Danica at pamilya nito dahil nasaktan daw ang kalooban ng aktor sa pagsasapubliko ng stepsister sa kanilang away-pamilya.

Noong gabi rin ng Abril 12 ay nag-post ng Facebook message para kay Danny ang ex-girlfriend niyang si Elizabeth Oropesa.

Mensahe ng beteranang aktres (published as is): “Dear Danny,

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Do not be sad anymore. Many of us who knows the real you will not judge you. I know the hardships you have been through just to survive and support your family.

"I also know the pain and sufferings that you quietly kept in your heart just so that you could give all of them a good life.

"Our Father God in heaven will always understand you and Bless you. You will know who your friends are at times like this. Just like our friendship way back then when you did not have anything.

"Keep your chin up! Kaya mo to! Im sure maraming nagmamahal sayo.

"Mabuti kang tao. Mapagmahal. Nagsasakripisyo sukdulang ipalit ang buhay para sa mga minamahal mo. Hindi ka pababayaan ng Dios. I will always pray for you. (Red Heart emoji)

"Elizabeth O."

Nagkamabutihan sina Danny at Elizabeth nang magkatrabaho sa pelikulang Mister Mo, Lover Ko (1999), na tinampukan din nina Glydel Mercado, Eddie Gutierrez, at Gary Estrada. Si Joel Lamangan ang direktor ng pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Elizabeth Oropesa, Danny Ramos in Mister Mo, Lover Boy Ko

Nag-frontal si Danny sa nasabing movie, na remake ng Mister Mo... Lover Boy Ko na ang direktor ay si Ishmael Bernal noong 1975.

Tampok naman doon sina Elizabeth Oropesa, George Estregan, Eddie Garcia, Anna Gonzales, Paraluman, at Vic Silayan.

Lumahok si Danny sa male pageant na G. Filipinas 1994, kung saan nakamit niya ang special award na Ginoo sa Kasuotang Panlangoy.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kapagkuwan ay naisama siya sa pelikulang Sibak: Midnight Dancers (1994), na pinagbidahan nina Alex del Rosario, Gandong Cervantes, at Lawrence David. Ang direktor nila ay si Mel Chionglo.

Danny Ramos

NOEL FERRER

Grabe naman, pandemya pa naman... sana magkaayos itong magkapatid na sina Danny at Danica.

Sayang lang. Kasi, imbes na isinapubliko pa ang lahat ay nag-usap na lang sana sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kapag ibrinodcast na iyan, marami nang opinyon at mga taong pwedeng sumawsaw sa issue.

Mas nagiging kumplikado kapag ginagawang public. Bakit, kailangan ba nilang kumuha ng simpatiya?

Kapag magkakapamilya ang nag-aaway, walang nagwawagi. Sana, magkaayos din sila!

GORGY RULA

Naniniwala ako kay La Oro sa mga pahayag niya para kay Danny Ramos.

Nakikita ko sila noon kung paano alagaan ang premadong aktres ang hunk actor.

Nakatrabaho ko noon si Danny, at napakabait niyang tao. Siya na lang nga ang madalas na naaagrabyado.

Nang nabalitaan kong isinumbong siya kay Raffy Tulfo, parang ayokong paniwalaan.

Pero hindi natin alam kung ano na siya ngayon. Napakatagal ko na siyang hindi nakikita at nakakausap.

Sana magkaayos na lang sila, dahil iisang pamilya lang sila.

Saka, naniniwala ako sa programa ni Idol Raffy na malalaman din nila ang buong katotohanan. Patas naman silang mag-handle sa ganitong kaso.

Ilang beses na iyan napatunayan, at ang recent nga itong isyu ni Super Tekla at ang dati niyang karelasyong si Michelle Lhor Banaag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagkamabutihan sina Elizabeth Oropesa at Danny Ramos (center) nang magkatrabaho sa pelikulang Mister Mo, Lover Ko noong 1999. Fast forward to present time, may liham si Elizabeth para kay Danny na sangkot ngayon sa isang kontrobersiya.
PHOTO/S: Elizabeth Oropesa / Mister Mo, Lover Ko BTS / CTTO
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results