Si Candy Pangilinan ang hinirang na Female Social Media Influencer sa virtual ceremony ng 2020 Catholic Social Media Awards na ginanap nitong Huwebes ng gabi, April 15, 2021.
Ang broadcast journalist na si Mariz Umali at ang aktres na si Dimples Romana ang dalawa sa co-nominees ni Candy para sa nasabing kategorya.
Pero sa huli, ang comedienne ang nanalo dahil sa YouTube channel nila ng kanyang anak na si Quentin na nagbibigay ng saya, inspirasyon, at pag-asa sa mga manonood.
Pumatak ang luha ni Candy sa announcement na siya ang nanalo bilang Female Social Media Influencer ng 2020 dahil malaking sorpresa ito para sa kanya.
Mensahe niya, “It’s indeed a pleasant surprise from God. Thank you talaga.
"God is good. Ang galing talaga. Ang baduy ko, umiiyak ako.
“Nagulat ako. I’m sure po, ang nanay ko ang pinakamasaya dito, sa lahat ng awards na natanggap ko.
“Maraming-marami pong salamat. I hope we continue to pray for each other.
"May I be able to continue to inspire, affect and infect people na, at the end of the day, there is a God who loves us more than we love ourselves.
“And to all the mothers out there, thank you po sa lahat ng subscribers namin. Thank you po talaga sa suporta and keep the faith.”
Si Quentin, na may special needs, ang nag-iisang anak ni Candy.
Nang umpisahan nila ang kanilang YouTube Channel, ang makapaghatid ng good vibes sa manonood ang tanging intensiyon ng comedienne.
Pero nagbago ang kanyang pananaw dahil sa mga mensaheng natatanggap niya mula sa mga taong nabigyan nila ng pag-asa.
Sabi ni Candy, “I really started a YouTube channel… it wasn’t really for me.
"I wasn’t there to teach or preach. Walang ganoon.
"I just wanted to send good vibes and be candid as possible.
"Then a lot of people started texting, messaging me that they get inspired.
"They’re depressed, nawawala ang depression nila. And people from other countries, OFW, COVID patients...
“Yung iba nalulungkot sila pero natatawa sila sa amin ni Quentin. Kasi despite and inspite of his disability, you can see that he’s okay, I’m okay.
“You know God really makes a way. Sabi ko nga, siguro sa mga panahong hindi ako nagdarasal, may nagdarasal para sa akin.
“Sa vlog, bigla kong nakita ang responsibility at accountability. Ah, ang laki pala ng responsibility at accountability.
"Kasi ang mga nagte-text sa akin, hindi na mga nanay, e. It’s beyond that.
"I have kids, 17 years old, 14 years old texting me, messaging me, ‘Tita, na-inspire po kami.’"