PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pokwang appeals to everyone to appreciate mothers every day

Every day raw dapat ina-appreciate ang mga ina, ayon kay Pokwang.
by Jojo Gabinete
Published Apr 18, 2021
Hindi lang tuwing may okasyon dapat ipadama sa mga ina ang pasasalamat at pag-appreciate sa mga ginagawa nito para sa pamilya, ayon kay Pokwang.
PHOTO/S: File

Ang Mommy Issues na pinagbibidahan ng multi-talented comedienne na si Pokwang ang Mother’s Day presentation ng Regal Entertainment Inc.

Naulila si Pokwang sa ina (Mrs. Gloria Subong) noong October 10, 2020.

Isa ito sa pinakamalungkot na karanasan sa buhay niya at lalong nagpatibay sa kanyang paniniwala na dapat ay araw-araw nating pasalamatan ang ating mga nanay at araw-araw ang pagdiriwang ng Mother’s Day.

“Mother’s Day for me ay dapat every day. Ganoon siya kaimportante sa akin. Every day, magpasalamat tayo kay Nanay, hindi lang every occasion.

“Every day, sabihin natin sa kanila na mahal kita at ipadama ito sa gawa, hindi lamang sa salita.

"Kapag naging mabuti kang ina, ibig sabihin mabuti rin ang iyong ina na pinalaki ka,” ang pahayag ni Pokwang sa pakikipag-usap sa kanya ng Cabinet Files ngayong Linggo nang hapon.

Limang buwan na ang nakalilipas mula nang pumanaw ang ina ni Pokwang at habang tumatagal, tumitindi ang pangungulila niya sa kanyang mapagmahal na nanay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa panahon ngayon, mas lalo kong nami-miss ang nanay ko pero alam ko na lagi siyang nakagabay sa aming lahat.”

Mommy Issues

Malaking karangalan para kay Pokwang na ang pelikula niya ang Mother’s Day offering ng Regal Entertainment.

Kaya nagpapasalamat siya kay Mother Lily at sa anak nito na si Roselle Monteverde dahil sa pagkakataon na ibinigay sa kanya.

“Masaya ako dahil sa kabila ng pandemya, nandiyan ang Regal Entertainment, Inc. na nag-aalay ng maganda at napapanahon na pelikula para magbigay ng ngiti sa lahat ng manonood, lalo na sa mga nanay na higit na nag-aalala sa kanilang mga anak sa ganitong kalagayan natin.

“Oras naman para maglagay ng ngiti sa mga labi sa kabila ng ating mga dinaranas na pagsubok.”

Sina Gloria Diaz, Sue Ramirez, Jerome Ponce, Chanel Morales, Kyle Velino, at Ryan Bang ang co-stars ni Pokwang sa Mommy Issues na mula sa panulat at direksyon ni Joey Reyes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naniniwala ang Regal Entertainment, Inc. producers na may pandemya man o wala, hindi dapat kalimutan ang pagdakila sa mga ina at sa pamamagitan ng kanilang Mother’s Day offering, ang Mommy Issues.

Maaaring ipagdiwang ang Mother’s Day sa tahanan at sa piling ng pamilya.

Mapapanood ngayong gabi sa official YouTube Channel, Facebook, TikTok, at Instagram accounts ng Regal Entertainment, Inc. ang official trailer ng Mommy Issues na ipalalabas sa streaming sites na UPSTREAM.ph, ktx.ph at TFC simula sa May 7.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi lang tuwing may okasyon dapat ipadama sa mga ina ang pasasalamat at pag-appreciate sa mga ginagawa nito para sa pamilya, ayon kay Pokwang.
PHOTO/S: File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results