Pokwang says transfer to TV5 supported by her ABS-CBN colleagues

by Arniel C. Serato
Aug 24, 2020
Pokwang on her two new shows on TV5 after leaving ABS-CBN: "Thankful and ibabalik ko ito lahat kay God dahil siya naman dahilan lahat at mga dasal na sinagot.”
PHOTO/S: Courtesy: @itspokwang27 on Instagram

Noong 2019 pa nagpaalam si Pokwang sa ABS-CBN pero hindi siya pinayagan.

Ito ang pagbubunyag ni Pokwang, 49, ukol sa kanyang paglipat ng istasyon bago pa man ibinasura ng Kongreso ang franchise application ng ABS-CBN noong July 10.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng direct messaging sa Twitter ngayong Lunes, August 24, ikinuwento ni Pokwang na ang unang nakaalam sa kanyang desisyon ang mga kasamahan niya sa Banana Sundae.

Ang Banana Sundae ang dating gag show ng ABS-CBN

Saad niya, "Sa Banana family ko, sila una kong sinabihan na aalis na ako sa network.

"At alam naman nila kung bakit di ako puwede mawalan ng work.

"Same din sa mga kasama ko na mga may anak din, suportado nila desisyon ko at nauunawaan nila."

Malapit si Pokwang sa mga kasamahan niya sa defunct ABS-CBN sitcom dahil taon ang binilang ng kanilang pagsasama sa palabas.

Hindi ba nabigla ang mga taga-Banana Sundae sa kanyang paglipat sa TV5?

Natatawang tugon ni Pokwang, “Sana hindi, hahahaha!

“Alam naman nila lahat na last year pa ako nagpapaalam sa network, di lang ako pinayagan.”

Halos 15 taong naging bahagi ng Kapamilya network si Pokwang.

Nagsimula siya bilang contestant sa "Clown In A Million" ng dating live gag show na Yes, Yes Show!, kung saan hinirang siya bilang grand champion noong 2004.

Si Pokwang ay naging bahagi ng ABS-CBN shows na Krystala (2004-2005), Aalog-Alog (2006), Crazy For You (2006), Ysabella (2007), Wowowee (2007-2010), Pilipinas Win Na Win (2010),\Happy Yippe Yehey! (2011-2012), Mirabella (2014), Nathaniel (2015), We Will Survive (2016), Till I Met You (2016), at FPJ's Ang Probinsyano (2017).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang huling show ni Pokwang bilang Kapamilya ay ang nakanselang primetime srries na Make It With You, na pinagbidahan nina Enrique Gil at Liza Soberano.

Noong June 20, nagulat ang lahat dahil sa paggue-guest ni Pokwang sa "Bawal Judgmental" segment ng Eat Bulaga!

Noong July 10, ibinasura ng Kongreso ang aplikasyon ng broadcast giant ng kanilang panibagong prangkisa.

COMPARISON

Si Pokwang ay nasa pangangalaga na ngayon ng APT Entertainment ni Antonio P. Tuviera, na co-producer ng Eat Bulaga.

Napapanood ngayon si Pokwang sa dalawang bagong programa ng TV5 na produced ng Cignal Entertainment at Archangel Media Media, Inc.

Ang mga ito ay ang game show na Fill in the Bank kasama si Jose Manalo, at ang morning talk show na Chika, Besh! kasama sina Pauleen Luna-Sotto at Ria Atayde.

May mga nagsasabing kapareho ng Chika, Besh! ang konsepto ng Magandang Buhay, ang dating morning talk show nina Karla Estrada, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal sa ABS-CBN.

Pero para kay Pokwang, hindi dapat ikinukumpara ang mga palabas sa telebisyon.

Pahayag niya sa PEP.ph, “And pagdating sa kinukumpara, hindi dapat, kasi ang importante, may mga shows na ganito na nakakapagpasaya sa mga manonood na kababayan natin sa ilalim ng pandemya.

“Tama na sana mga kumpara, kasi masyado na tayong maraming pinagdaraanan na nakakapagpalungkot sa atin.”

Sa huli, nagpapasalamat sa Diyos si Pokwang dahil sa mga biyayang natatanggap niya.

“Thankful and ibabalik ko ito lahat kay God dahil Siya naman dahilan lahat at mga dasal na sinagot.”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pokwang on her two new shows on TV5 after leaving ABS-CBN: "Thankful and ibabalik ko ito lahat kay God dahil siya naman dahilan lahat at mga dasal na sinagot.”
PHOTO/S: Courtesy: @itspokwang27 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results