Ngayon April 21, Miyerkules, ang 40th birthday ni Luis Manzano.
Ito ang unang pagdiriwang niya ng kaarawan bilang may asawa dahil ikinasal sila ni Jessy Mendiola sa Lipa City noong February 21, 2021.
Sa bihirang pagkakataon, nag-post ang ina ni Luis, ang Star for All Seasons at Lipa House Representative na si Vilma Santos, ng litrato nila ng kanyang anak at manugang.
Caption ni Vilma: “Happy birthday Son! Love you guys. God bless!”
Pero hindi ang Instagram photo nina Vilma, Luis, at Jessy ang pumukaw sa interes ng netizens kundi ang video ng pagbati ni Ryan Christian Recto sa kuya niya.
Mensahe ni Ryan Christian: “You know this already, I love you.
"You’re one of my idols in life and I really appreciate how you’re such a big brother to me when I need you.
"I wish you well. Same goes with Jessy too. I love the both of you and, yeah, miss you guys.
"Hope to see you soon! Happy birthday bro!"
Maraming netizens ang napahanga kay Ryan Christian dahil sa kanyang mahusay na pagsasalita at heartthrob looks.
Si Ryan Christian Recto ang 25-year-old son nina Vilma at Senator Ralph Recto.
Kahit artistahin ang kanyang hitsura, pinili niyang mag-aral.
"Guwapo," "so handsome," at "pogi" ang ilan sa mga papuri kay Ryan Christian ng mga nakapanood ng video nitong makikita sa Instagram account ni Vilma.
Bihirang makita si Ryan Christian ng publiko kaya marami ang nagulat dahil binatang-binata na siya, articulate sa pagsasalita, at may magandang kinabukasan sa showbiz—kung gugustuhin niyang sundan ang yapak sa entertainment industry ng kanyang ina at kapatid.