PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gina Pareño accepts Kaka to get out of the house

Gina Pareño, hindi pinayagang lumabas ng bahay mula March 2020.
by Jojo Gabinete
Published Apr 28, 2021
Gina Pareño on doing a movie after staying at home for almost a year: "Excited ako na tatamaan uli ako ng kamera at marami uli ako na makakasama kaya buong-buo ang loob ko nang magpunta ako sa location. Tuwang-tuwa ako at nagpapasalamat nang sobra-sobra dahil nakalabas ako ng bahay ko."
PHOTO/S: @ginapareno on Instagram

Ang Tililing ang huling proyekto ng veteran actress na si Gina Pareño. Pero ginawa at natapos niya ang nabanggit na pelikula bago pa nagkaroon ng coronavirus pandemic noong 2020.

Mula noong March 2020, hindi na pinayagan si Gina ng kanyang mga anak na sina Raquel at Michael na lumabas ng bahay para mapangalagaan ang kalusugan niya dahil senior citizen na siya.

Pahayag ng veteran actress, "Mahigpit ang mga anak ko. Grabe, andito lang ako sa apat na sulok ng kuwarto ko.

"Ilang buwan na ba ako dito? Hindi ako lumalabas."

Nakaranas ng pagkabagot si Gina hanggang dumating ang project na Kaka, ang launching movie ng Cebuana-based newcomer na si Sunshine Guimary.

Tinanggap ni Gina ang role bilang lola ni Sunshine sa Kaka dahil sa kagustuhan niyang makalabas ng bahay at magtrabaho.

"Excited ako na tatamaan uli ako ng kamera at marami uli ako na makakasama kaya buong-buo ang loob ko nang magpunta ako sa location.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tuwang-tuwa ako at nagpapasalamat nang sobra-sobra dahil nakalabas ako ng bahay ko.

"Ang daming mababait, parang dati na kaming magkakakilala. Walang nakakailang sa set," ang kuwento ng 71-year-old actress tungkol sa paglabas niya ng bahay makalipas ang matagal na panahon.

Nag-umpisa at natapos ang shooting ng Kaka bago pa muling nagdeklara ng Enhanced Community Quarantine sa pangalawang pagkakataon noong March 29 dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Naging maingat si Gina sa paglabas ng bahay at pagpunta sa lock-in shoot ng Kaka dahil sumailalim muna siya sa mga swab test at labing-apat na araw na isolated quarantine.

Hindi rin inaalis ni Gina pati na ng cast ang kanilang mga suot na face mask at face shield habang nasa set ng Kaka.

Naghuhubad lamang sila ng mga proteksiyon laban sa COVID sa tuwing kukunan ang kanilang mga eksena.

Pagkatapos ng take, ibinabalik agad nila ang mga suot na face mask at face shield.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gina Pareño on doing a movie after staying at home for almost a year: "Excited ako na tatamaan uli ako ng kamera at marami uli ako na makakasama kaya buong-buo ang loob ko nang magpunta ako sa location. Tuwang-tuwa ako at nagpapasalamat nang sobra-sobra dahil nakalabas ako ng bahay ko."
PHOTO/S: @ginapareno on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results