Commission on Human Rights of the Philippines di aprub sa Tililing poster

by PEP Troika
Feb 14, 2021
Commission on Human Rights of the Phililppines artcard on Tililing.
Kinondena ng Commission on Human Rights of the Philippines ang poster ng Tililing. Hindi raw ito sensitive sa pinagdaraanan ng mga taong may mental health problems.
PHOTO/S: Commission on Human Rights of the Philippines Facebook

JERRY OLEA

Kinondena ng Commission on Human Rights of the Philippines o CHR ang poster ng pelikulang Tililing nitong Pebrero 14, Linggo ng umaga sa kanilang Facebook page.

Commission on Human Rights of the Philippines statement on Tililing poster

Kalakip ang artcard ng pagkondena ang kanilang mensahe: “Bagama't naniniwala ang CHR na mayroong artistic freedom ang mga manlilikha, ikinakabahala nito ang paglalabas ng poster ng pelikulang ‘Tililing’ na nagpapakita ng stereotypical at discriminating na imahe ng mga taong may iniindang mental health illnesses.

Continue reading below ↓

“Marami sa ating mga kababayan ang nahaharap sa iba't ibang mental health challenges na nahihirapang humingi ng tulong dahil sa stigma.

“Kung kaya't kinakailangan nating maging mas sensitibo sa pagtalakay ng isyung ito lalo na sa larangan ng mass media.

“Marami nang miskonsepsyon na bumabalot sa usapin ng mental health at hindi makakatulong kung makakahon ito sa misleading na pagtingin.”

CHR official statement on Tililing poster

Continue reading below ↓

Kapagkuwan ay ni-repost ng VinCentiments sa kanilang Facebook page ang nasabing artcard ng CHR, at ang kaakibat na mensahe: “Mundo, Ito ang Pilipinas.

“Sino ang nangStereotype—ang poster o ang tumitingin. Sarili ang Suriin.”

Ang pelikulang Tililing ay pinagbibidahan nina Baron Geisler, Gina Pareño, at Chad Kinis, sa direksyon ni Darryl Yap.

Nakatakdang mag-streaming ito sa Marso 5 sa Vivamax.

Vincentiments reply to CHR statement about Tililing

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Naku, parang patibong ang poster na ito at kung sino man ang mag-react ay dapat handang magamit sa publisidad.

Good luck sa pelikulang Tililing. Marahil, may puntirya itong audience na dapat matuwa at maapektuhan.

Mukhang hindi ako kasama roon.

GORGY RULA

May karapatan silang maglabas ng kanilang opinyon kung ano man ang interpretasyon nila sa poster ng Tililing.

Maaring kulang pa sa kaalaman ang karamihan sa ating mga kababayan tungkol sa mental health.

Kaya mas maipapaliwanag pa sana nila kung ano ang epekto nitong design ng poster sa iniindang mental health illness ng ating mga kababayan.

Ang laki ng nagagawa nito para lalong ma-promote ang naturang pelikula.

Nasa tao pa rin ang desisyon kung panonoorin nila ang pelikula o hindi.

Lalo kaming nagkainteres kung paano tatalakayin ng pelikulang ito ang isyu ng mental health.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kinondena ng Commission on Human Rights of the Philippines ang poster ng Tililing. Hindi raw ito sensitive sa pinagdaraanan ng mga taong may mental health problems.
PHOTO/S: Commission on Human Rights of the Philippines Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results