PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ryan Bang gives cash allowance to his mother in South Korea

Ryan Bang, sinabing mas mabenta ang beauty ni Pokwang sa South Korea.
by Jojo Gabinete
Published Apr 29, 2021
Ryan Bang: "Yung mommy ko minsan, kung kailangan niya ng pera, hindi naman humihingi sa akin. Kaya lang tumatawag sa akin, ‘Anak, nade-depress ako. Mag-isa lang ako dito. Nalulungkot ako. Parang wala na akong pang-ulam...' Ibig sabihin, kailangan ng gamot ng nanay. Ang gamot ng nanay ko ay deposit."
PHOTO/S: @ryanbang on Instagram

Masayahin at palabiro ang Korean actor na si Ryan Bang.

Pero nababahiran din ng lungkot ang kuwento ng buhay niya dahil nag-iisang anak lamang siya na walang nakagisnang ama.

Si Ryan ang love interest ni Pokwang sa Mommy Issues, at sa naganap na Zoom presscon ng Mother’s Day presentation ng Regal Entertainment Inc. ngayong Huwebes, April 29, ang mga isyu nila ng kanyang ina ang ikinuwento ng Korean actor.

Ayon kay Ryan, “Yung tunay na mommy ko sa Korea, single din siya, single mom.

"Nung meron na siyang boyfriend, nahirapan ako magtanggap. Kasi parang, 'Mommy, may boyfriend ka na, tapos paano yung daddy?'

"Pero at the end of the day, naintindihan ko siya kasi mabait pa rin yung nanay ko.

"Kailangan pa rin may lambing, hindi lang ng anak, yung lambing ng ano... pag-ibig kasi babae pa rin yung puso niya. So, naiintindihan ko tanggap ko na.

"Nung panahon na natanggap ko na yung boyfriend ng nanay ko, naghiwalay sila. Ganoon yung istorya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipagdiriwang at gugunitain sa May 9 ang Araw ng mga Ina, kaya ang paraan ng kanyang pagpapakita ng pagmamahal sa nanay niya sa paparating na Mother’s Day ang follow-up question kay Ryan.

Isang malapit kay Ryan ang nagsabing hindi ito pumapalya sa pagpapadala ng cash allowance sa kanyang ina na naninirahan sa South Korea.

Ang sagot ng It’s Showtime co-host ang kumpirmasyong totoo ang kuwento na nakarating sa amin.

"Deposit po… deposit!" walang patumpik-tumpik na sabi ni Ryan.

"Hindi na mahalaga yung amount, alam din naman ng nanay ko sa Korea na siyempre, lahat naman tayo may pinagdadaanan.

"Kaya yung mommy ko minsan, kung kailangan niya ng pera, hindi naman humihingi sa akin.

"Kaya lang tumatawag sa akin, ‘Anak, nade-depress ako. Mag-isa lang ako dito. Nalulungkot ako. Parang wala na akong pang-ulam.'

"Ibig sabihin, alam na. Alam na ng anak. Ibig sabihin, kailangan ng gamot ng nanay. Ang gamot ng nanay ko ay deposit."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

POKWANG, LAPITIN NG MGA KOREANO

Nang mapag-usapan naman ang role niya sa Mommy Issues bilang Korean na matindi ang pagmamahal sa karakter ni Pokwang, sinabi ni Ryan na nakaka-relate siya sa kanyang papel na ginampanan dahil sa isang insidenteng nasaksihan niya nang magpunta sila noon sa South Korea.

“Yung karakter ko sa Mommy Issues, naka-relate ako sa totoong buhay.

"Kasi noong nag-Korea kami ni Mamang [Pokwang], yung beauty ni Mamang, nagulat ako!

"Maraming Korean ang tumitingin kay Mamang. Yung isang Koreano, nakita ko lumalapit kay Mamang, humihingi ng cellphone number.

"Doon sa Korea, ang kasama si Angelica Panganiban, sila Aiko Climaco... Pero si Mamang talaga ang nilapitan ng mga Korean.

"So, yung beauty ni Mamang, hindi ko alam kung bakit hindi masyadong ma-appreciate dito [sa Pilipinas] pero sa Korea… gandang-ganda sila kay Mamang," walang preno at kamali-malisyang salaysay ni Ryan.

Pokwang with Ryan Bang in Mommy Issues

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nang marinig ni Pokwang ang sinabi ni Ryan na hindi binibigyan ng importansiya sa Pilipinas ang kanyang kagandahan, hindi siya nagpakita ng pagkainsulto.

Pero sabi ng comedienne, “Ang Korean, mahilig sa bug! Korean bug!”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ryan Bang: "Yung mommy ko minsan, kung kailangan niya ng pera, hindi naman humihingi sa akin. Kaya lang tumatawag sa akin, ‘Anak, nade-depress ako. Mag-isa lang ako dito. Nalulungkot ako. Parang wala na akong pang-ulam...' Ibig sabihin, kailangan ng gamot ng nanay. Ang gamot ng nanay ko ay deposit."
PHOTO/S: @ryanbang on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results