Former Kapuso stars Sunshine Dizon at Janine Gutierrez, magsasama sa upcoming Kapamilya drama series

by Jojo Gabinete
Apr 30, 2021
Ngayong araw inaasahang iaanunsiyo ang proyektong pagsasamahan nina Sunshine Dizon (kaliwa) at Janine Gutierrez (kanan) sa ABS-CBN. Ito rin ang kumpirmasyon ng paglipat ni Sunshine mula GMA-7 sa ABS-CBN.
PHOTO/S: Instagram

Dalawang dating Kapuso stars ang magsasama sa Marry Me, Marry You, ang bagong drama series ng Kapamilya Network.

Magaganap ang announcement ng ABS-CBN anumang oras ngayong araw, April 30.

Sina Sunshine Dizon at Janine Gutierrez ang former Kapuso actresses na mapapanood sa bagong programa ng Kapamilya Network.

Ang announcement ng ABS-CBN ang kumpirmasyon ng pag-alis ni Sunshine sa GMA-7 na naging tahanan niya sa matagal na panahon.

Ang Anna Karenina ang unang soap opera ni Sunshine sa GMA-7 noong 1996 kaya halos dalawampu’t limang taon siyang talent ng dating home studio niya.

Tatlong buwan lamang ang pagitan ng paglipat nina Sunshine at Janine sa ABS-CBN.

January 15, 2021 nang pumirma si Janine ng kontrata sa Kapamilya Network.

Gaya ni Sunshine, ang GMA-7 ang nagbigay kay Janine ng malaking break sa showbiz noong 2010, pero hindi na nagkaroon ng renewal ang kanilang mga exclusive contract.

Sina Paulo Avelino at Jake Ejercito ang leading men ni Janine sa Marry Me, Marry You.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ngayong araw inaasahang iaanunsiyo ang proyektong pagsasamahan nina Sunshine Dizon (kaliwa) at Janine Gutierrez (kanan) sa ABS-CBN. Ito rin ang kumpirmasyon ng paglipat ni Sunshine mula GMA-7 sa ABS-CBN.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results