Final 3 ng Born To Be A Star Season 2, napili na

by Jojo Gabinete
May 3, 2021
Born To Be A Star hosts Matteo Guidicelli (second from left) and Kim Molina (second from right) with Season 2 Final 3 finalists Jannah Faye Bocatiya (extreme left), Hans Paronda (center), and Jehramae Trangia (extreme right).
PHOTO/S: Viva Entertainment

Sina Jannah Faye Bocatiya ng Maynila; Jehramae Trangia ng Talisay City, Cebu; at Hans Paronda ng Antipolo City ang Final 3 ng Season 2 ng Born To Be A Star, ang reality singing competition ng TV5 at Viva Entertainment.

Magaganap ang grand finals ng Born To Be A Star sa Sabado, May 8.

Isa kina Jannah, Jehramae, at Hans ang mabibigyan ng malaking break sa entertainment industry kapag pinalad magwagi.

"A wish came true tonight," reaksiyon ni Jannah nang marinig nito ang announcement na kabilang siya sa Final 3 ng singing contest na sinalihan niya.

Sabi pa niya, "To my family, friends, Jannah Fayeries [Fairies] and to everyone, thank you! Still overwhelmed with what’s happening. Forever grateful!"

Gaya ni Jannah, pinasalamatan din ni Jehramae ang pamilya at mga kaibigan niya na sinuportahan ang kanyang Born To Be A Star journey.

Aniya, "I am filled with overwhelming gratitude for all the blessings and achievements na dumating sa buhay ko. Thank you so much po, Lord. Hindi po ito mangyayari lahat kung wala po Kayo."

Continue reading below ↓

Ang 15-year-old na si Hans ang pinakabata at nag-iisang lalaking grand finalist ng Born To Be A Star.

Standing ovation ang tinanggap ni Hans mula sa star agents ng programa dahil sa kanyang powerful performance sa April 24 episode ng singing competition ng Kapatid Network.

Dahil dito, umaasa ang kanyang mga supporters na siya ang tatanghaling grand champion sa finale night sa May 8.

Sina Matteo Guidicelli at Kim Molina ang mga host ng Born To Be A Star, na nagsimula noong January 23, 2021.

Ito ang unang project sa TV5 ni former It’s Showtime director Bobet Vidanes.

Sina Teacher Georcelle Dapat-Sy, Sam Concepcion, Andrew E., Katrina Velarde, at Janine Teñoso, na produkto ng Season 1 ng Born To Be A Star, ang mga star agent.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Born To Be A Star hosts Matteo Guidicelli (second from left) and Kim Molina (second from right) with Season 2 Final 3 finalists Jannah Faye Bocatiya (extreme left), Hans Paronda (center), and Jehramae Trangia (extreme right).
PHOTO/S: Viva Entertainment
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results