Vice Ganda at Sunshine Guimary nagkaharap na sa wakas

by Jojo Gabinete
May 13, 2021
Vice Ganda (left) jokes about teamup of boyfriend Ion Perez with Sunshine Guimary (right) in Kaka: "Wala naman kaba, pero tinawagan ko na si Boss Vic. Sabi ko, 'Boss Vic, last movie na nila ito.'"
PHOTO/S: Screen grab from Kapamilya Channel

Cebu-based ang Kaka lead star na si Sunshine Guimary, pero matagal na siyang namamalagi sa Metro Manila dahil sa kanyang mga promo guesting para sa kanyang launching movie na Kaka.

Mananatili si Sunshine sa Metro Manila hanggang sa susunod na buwan dahil sa kanyang sunud-sunod na television guestings.

Si Sunshine ang guest contestant sa live broadcast ng "Hide & Sing" segment ng It’s Showtime ngayong Huwebes, May 13.

Memorable ito para sa kanya dahil nagkita sila nang personal ni Vice Ganda, ang boyfriend ni Ion Perez, isa sa leading men niya sa Kaka.

Flattered na flattered si Sunshine dahil mga papuri ang kanyang natanggap mula sa comedian at TV host na iniidolo niya nang sobra.

Sabi ni Vice, “Sabi ko dati, maganda lang 'yang Sunshine na ‘yan sa picture, feeling ko.

"Pero nung makita ko, hay, ang ganda niya sa personal. Mukha siyang Miss Colombia, yung mga Latina beauty sa Miss Universe.

Continue reading below ↓

“Kakaloka yung balakang. Ang ganda mo nga in person.

"Naka-face mask na ako naaamoy ko pa, ang bango- bango niya. Buti na lang tapos na yung pelikula niyo.”

Ikinuwento rin ni Vice ang madalas na pagtatanong niya noon kay Ion tungkol kay Sunshine, pero matipid ang mga sagot ng kanyang karelasyon.

“Tinatanong ko si Ion lagi, sabi ko, 'Kumusta si Sunshine?' 'Maganda siya.'

“Kapag nagkukuwento siya sa akin, very minimal lang. 'Oo maganda, maganda naman.'

“'Sexy, malaki boobs niya?' 'Seksi naman siya.'

"Pero hindi nagkukuwento. Parang siguro nahihiya."

Biro pa ni Vice, "Wala naman kaba, pero tinawagan ko na si Boss Vic [del Rosario, Viva Films producer].

"Sabi ko, 'Boss Vic, last movie na nila ito.'"

Ang mga salitang binitiwan ni Vice sa It’s Showtime ang pruwebang walang katotohanan ang mga intrigang pinagselosan niya ang pagtatambal nina Sunshine at Ion sa Kaka.

"Basta ang ganda mo!" giit ni Vice.

Ikinatuwa naman ito ni Sunshine kaya sumagot ito ng “Mahal na mahal ko si Meme!”

Continue reading below ↓

Mapapanood ang Kaka sa mga streaming site na VivaMax, ktx.ph at iWanTFC simula sa May 28.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda (left) jokes about teamup of boyfriend Ion Perez with Sunshine Guimary (right) in Kaka: "Wala naman kaba, pero tinawagan ko na si Boss Vic. Sabi ko, 'Boss Vic, last movie na nila ito.'"
PHOTO/S: Screen grab from Kapamilya Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results