PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jerald Napoles, nabatikos dahil sa kanyang ngongo na role

Puno na naman ng katatawanan ang bagong pelikula nina Jerald at Kim.
by Jojo Gabinete
Published May 15, 2021
Umabot na ng 20M views sa lahat ng social media platforms ang trailer ng Ang Babaeng Walang Pakiramdam, ang upcoming movie ng magkasintahang Jerald Napoles at Kim Molina.
PHOTO/S: @iamjnapoles Instagram / Ang Babaeng Walang Pakiramdam

May speech defect o ngongo ang karakter ni Jerald Napoles sa Ang Babaeng Walang Pakiramdam kaya may mga bumabatikos na sa kanya.

Ang panoorin muna ang kabuuan ng pelikula ang mensahe ni Jerald para sa mga tao na agad na hinuhusgahan siya kahit sa June 11 pa ang worldwide streaming ng movie project na pinagbibidahan nila ng kanyang girlfriend na si Kim Molina.

Napanood na namin ang Ang Babaeng Walang Pakiramdam kaya kami na mismo ang makapagsasabi na hindi nakakainsulto ang pagganap ni Jerald bilang ngongo, dahil nabigyan niya ng buhay nang buong husay ang role na ipinagkatiwala sa kanya.

As a matter of fact, worthy of an acting nomination ang performance na ipinamalas ni Jerald sa pelikula na mula sa panulat at direksyon ni Darryl Yap.

Hindi lamang si Jerald ang nagpakita ng galing sa pag-arte dahil outstanding din ang pag-arte ni Kim.

May CIP o Congenital Insensitive to Pain ang karakter ni Kim kaya hindi madali na gumanap na walang pakiramdam pero nagtagumpay ang singer-actress na maipakita ang lahat ng klase ng emosyon nang hindi siya umaarte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang 2019 phenomenal hit na Jowable ang launching movie ni Kim, si Jerald ang kanyang leading man at directorial debut ni Darryl.

Nang mapanood namin ang Ang Babaeng Walang Pakiramdam, nakumbinsi kami na ito ang pinakamaganda sa lahat ng mga pelikula na ginawa ni Darryl.

Meron nang 20 million views sa loob lamang ng 48-hours ang official trailer mula nang i-release ito sa lahat ng social media platforms.

HOT STORIES

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Umabot na ng 20M views sa lahat ng social media platforms ang trailer ng Ang Babaeng Walang Pakiramdam, ang upcoming movie ng magkasintahang Jerald Napoles at Kim Molina.
PHOTO/S: @iamjnapoles Instagram / Ang Babaeng Walang Pakiramdam
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results