PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

AJ Raval kinumpirma ang relasyon nila ni Axel Torres

Kilalanin ang lalaking bumihag sa puso ng sexy star na si AJ Raval...
by Jojo Gabinete
Published May 24, 2021
Wala pa raw sa showbiz si AJ Raval nang maging boyfriend niya ang former PBB housemate na si Axel Torres.
PHOTO/S: @axe1torres on Instagram

Ang 2014 Pinoy Big Brother All In housemate at basketball player na si Axel Torres ang boyfriend ni AJ Raval.

Ito ang kinumpirma ng sexy actress bago nagsimula ang virtual story conference para sa pelikulang Nerisa ngayong Lunes ng hapon, May 24.

“Naging kami po noong wala pa ako sa showbiz,” sabi ni AJ tungkol sa pagsisimula ng relasyon nila ni Axel.

Nag-umpisa ang mga post ni Axel sa kanyang Instagram account ng mga litrato nila ni AJ noong May 2020. Tumutugma ito sa kuwento ng sexy star na hindi pa siya artista nang maging boyfriend niya ang dating housemate ng Pinoy Big Brother.

May isang anak si Axel kay Aina Solano, ang kanyang ex-girlfriend na naging housemate niya sa PBB All In. Nagkaroon din siya ng relasyon sa GirlTrends member na si Erin Ocampo.

Ginagampanan ni AJ ang karakter ni Lilet sa Nerisa, ang sexy drama movie ng Viva Films na pagbibidahan ng former beauty queen na si Cindy Miranda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siya ang kaibigang tutulong kay Nerisa para mahanap ang asawa nitong nawawala, na bibigyang-buhay naman ni Aljur Abrenica.

Nagbida na si AJ sa Death of A Girlfriend kaya marami ang nagtataka sa pagpayag niyang maging suporta ni Cindy sa Nerisa.

Sagot niya sa mga nagtatanong, “Okay naman po sa akin.

"Sigurado po dito sa bagong karakter, bagong project, meron din naman akong bagong matututunan."

RELATED STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wala pa raw sa showbiz si AJ Raval nang maging boyfriend niya ang former PBB housemate na si Axel Torres.
PHOTO/S: @axe1torres on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results