PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Elliot Page topless photo, pinagkaguluhan sa social media

Jake Zyrus, una nang naglabas ng topless photo.
by Jojo Gabinete
Published May 25, 2021
elliot page jake zyrus topless
Ang unang topless photo ng trans man Hollywood actor na si Elliot Page (kaliwa) ay nagpaalala sa mga Pinoy ng semi-topless photo ng trans man Pinoy singer na si Jake Zyrus (kanan) noong 2018.
PHOTO/S: Instagram / Facebook

Umani ng 2.1 million likes at 50,000 comments, mostly positive, ang Instagram post ng transgender man na si Elliot Page sa kanyang ibinahaging topless photo.

Si Elliot ang former Canadian actress na si Ellen Page na nagbida sa 2007 critically-acclaimed movie na Juno.

Nagkaroon siya ng acting nominations mula sa Academy Award, Golden Globe, Critics Choice Award, BAFTA Award, at Screen Actors Guild dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa Juno.

Kabilang pa sa mga pelikula niya ay X: Men The Last Stand (2006), Inception (2010), at X Men: Days of Future Past (2014). Kasama rin siya sa hit Netflix series na The Umbrella Academy.

Isinapubliko ni Page ang kanyang pagiging gay woman noong February 2014, at lumantad siya bilang transgender man noong December 2020, gamit ang pangalang Elliot.

Noong March 2021, isiniwalat ni Page sa exclusive interview sa kanya ng TIME magazine na sumailalim siya sa breast removal surgery para maging ganap na lalake ang physical appearance niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinakita ni Page sa buong mundo ang resulta ng operasyon sa pamamagitan ng topless photo niya sa kanyang Instagram account kahapon, May 24.

May caption itong "Trans bb’s first swim trunks" at may hashtags na #transjoy #transisbeautiful.

Naging mabuti kay Page ang kanyang followers dahil sa kanilang encouraging at positive comments tungkol sa topless photo niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JAKE ZYRUS FROM THE PHILIPPINES

Hindi si Page ang unang celebrity na idineklara sa buong mundo ang kanyang pinagdaanang breast removal procedure dahil nauna na itong ginawa ni Charice Pempengco.

June 2013 nang aminin ni Charice sa publiko ang kanyang tunay na sexual orientation.

Noong June 2017, itinakwil ng controversial singer ang tunay na pangalan dahil mas pinili niyang makilala bilang Jake Zyrus.

Noong July 2017, inamin ni Jake na sumailalim siya sa breast removal surgery. Nangyari ang kanyang chest reconstruction procedure noong March 2017 sa tulong ng celebrity beauty doctors, ang mag-asawang Dr. Manny at Pie Calayan.

Sinabi ni Jake na halos kumpleto na ang kanyang pakiramdam bilang lalake dahil sa breast removal surgery, kahit hindi pa niya nararanasan ang sex transplant procedure.

Bago pa nag-post si Page ng topless photo nito sa Instagram habang nasa swimming pool siya, nauna na si Jake na naglabas ng topless picture nito noong March 2018 sa kanyang Instagram account habang naliligo siya sa Anguib beach sa Santa Ana, Cagayan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang pagkakaiba lang, nangibabaw ang pagiging konserbatibo ni Jake na bahagyang nakalubog sa tubig ang hubad na katawan.

Jake Zyrus topless photo

Hindi siya katulad ni Page na nagkaroon ng lakas ng loob na ibuyangyang sa publiko ang inoperahang dibdib.

Hindi rin naging pabor kay Jake ang mga masasakit at mapanghusgang reaksiyon ng shocked Pinoys na hindi matanggap ang kanyang breast removal surgery, na ibang-iba sa suporta na ipinakita kay Page ng mga supporter nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero isang bagay ang sigurado, bago pa nagkaroon ng Elliot Page ang Canada, meron nang Jake Zyrus ang Pilipinas.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang unang topless photo ng trans man Hollywood actor na si Elliot Page (kaliwa) ay nagpaalala sa mga Pinoy ng semi-topless photo ng trans man Pinoy singer na si Jake Zyrus (kanan) noong 2018.
PHOTO/S: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results