John Lloyd Cruz mapapanood muli sa GMA-7, salamat kay Willie Revillame

by Jojo Gabinete
May 30, 2021
Pumirma si John Lloyd Cruz ng kontrata sa production company ni Willie Revillame para sa isang television special na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa June 6, 2021.
PHOTO/S: Courtesy of Willie Revillame

Kinumpirma ni Willie Revillame na mapapanood si John Lloyd Cruz sa GMA-7.

Magsasama sila sa 6-6 Shopee Super Mega Fiesta at mapapanood ito sa Kapuso Network sa Linggo, June 6, 2 pm.

Si Willie ang blocktimer producer ng nabanggit na television special na magaganap sa Smart Araneta Coliseum at siya ang personal na nakipag-usap kay John Lloyd para sa special guesting nito.

Ang nalalapit na paglabas ni John Lloyd sa television special ni Willie ang unang pagkakataon na makikita ang multi-awarded actor sa isang live show matapos na pansamantala niya na tinalikuran ang show business noong October 2017.

Ito rin ang pangalawang beses na mapapanood siya sa isang programa sa GMA-7.

Ang guesting ni John Lloyd sa "Sumalangit Nawa" episode ng Kakabakaba Adventures ang una at huling appearance niya noon sa isang show ng Kapuso Network.

Ang Kakabakaba Adventures ang horror anthology show ng GMA-7 na napanood mula 2004 hanggang 2005.

Continue reading below ↓

Ibinahagi ni Willie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang video ng pagpirma ni John Lloyd ng kontrata sa kanyang production company.

Naganap ito kagabi, May 29, sa H Bar ng Wil Tower Mall sa Quezon City.

Video: Jojo Gabinete.

Saksi sa contract signing ni John Lloyd ang legal counsel ni Willie na si Atty. Ferdie Domingo at ang mga Shopee executive.

“Tonight is history,” ang sabi ni Willie tungkol sa pagpayag ni John Lloyd na maging guest sa kanyang television special sa June 6.

Nagbitaw rin si Willie ng nakakaintriga na salita na, “More to come. Welcome to your new family, my production…” tungkol sa inaabangan na paglabas ni John Lloyd sa GMA-7.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pumirma si John Lloyd Cruz ng kontrata sa production company ni Willie Revillame para sa isang television special na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa June 6, 2021.
PHOTO/S: Courtesy of Willie Revillame
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results