Pulis na pumatay sa 52-anyos na babae, nagdeklara noong "I AM PROUD TO BE A GOOD COP"

by Jojo Gabinete
Jun 1, 2021
Itinanggi ni Police Master Sergeant Hensie Zinampan ang pagbaril sa kapitbahay niyang si Lilybeth Valdez, 52, kahit na kitang-kita sa video ang ginawa niyang krimen.
PHOTO/S: Screen grab from Unang Balita

Berdugo at teroristang pulis ang bansag ngayon kay Police Master Sergeant Hensie Zinampan dahil sa kanyang brutal na pagpaslang kay Lilybeth Valdez ng Barangay Greater Fairview, Quezon City kahapon, May 31, 2021.

Ang insidenteng ito ay nagpaalaala sa marami sa walang awang pagpatay ni Police Senior Master Sgt. Jonel Nuezca sa mag-inang Sonya at Frank Anthony Gregorio sa krimeng nangyari at nakunan ng video sa Paniqui, Tarlac, noong December 20, 2020.

Nakunan din ng video ang ginawang pagpatay ni Zinampan sa kapitbahay niyang si Valdez.

Dito ay mapapanood na lasing si Zinampan nang barilin nito si Valdez, na nakiusap na huwag siyang sabunutan bago pinatay ng pulis.

Gaya ng pagpatay sa mag-inang Gregorio, may mga maliliit na batang saksi sa pagkitil ni Zinampan sa buhay ni Valdez.

Kinokondena ngayon ng sambayanang Pilipino si Zinampan dahil sa viral video na nagpapakita ng karahasan ng isang pulis na matapang dahil may hawak siyang armas.

Continue reading below ↓

Dahil sa nakapangingilabot na video at karumal-dumal na ginawa ng killer cop, pinagtuunan agad ng media ang naganap na krimen.

Sa panayam ng reporters ng mga news program ng GMA-7, ABS-CBN, at TV5, ikinuwento ng kapatid ni Valdez na si Beverly Luceño na nag-ugat ang pamamaril sa alitan sa pagitan ng biktima at ni Zinampan na nangyari noong May 1, 2021.

“Paglabas po ng pulis, diyan po siya sinabunutan. Pagsabay sabunot, pinatigilid po yung leeg niya [Valdez], tapos maya-maya po, binaril po siya.

“Dahilan po yun kasi sa kapatid kong isa. Nagsuntukan po sila, yung pulis pati po yung kapatid kong lalake, noong May 1 po. Parehas po kasi silang lasing,” pahayag ni Luceño na nasaksihan ang buong pangyayari.

Nakatalaga si Zinampan sa Police Security Protection Group sa Camp Crame, Quezon City.

Sa kabila ng viral video, na matibay na ebidensiya ng kanyang pagpaslang kay Valdez, itinanggi niya ang pagbaril sa kaawa-awa at walang kalaban-laban na biktima.

Continue reading below ↓

ZINAMPAN DEFENDS PNP MEMBERS

Nang maganap ang pagpatay ni Nuezca sa mag-inang Gregorio noong December 2020, isa si Zinampan sa mga nagtanggol sa mga miyembro ng Philippine National Police (PNP).

Sa kanyang Facebook post noong December 29, 2020, sinabi ni Zinampan na mabuti siyang pulis at hindi kasalanan ng buong PNP ang kasalanan ni Nuezca:

“I am PMSg Hensie A Zinampan 14 -years in serving and protecting taas noo kong pinapanindigan ang integridad ng aking uniporme. Buong puso ang dedikasyon sa trabaho. I AM PROUD TO BE A GOOD COP.

“While there are unfortunate incidents like this, the vast majority of you, PNP perform thier sworn duties everyday with honor and integrity to protect and serve the people.

“The sin of Nuesca is not the sin of the entire PNP, as we have seen during the past disasters and this pandemic, we place our lives on the line as first responders and frontliners.”

Continue reading below ↓

Nilagyan niya pa ito ng mga hashtag na #MyUniformMyHonor #ProudtoServeWithIntegrity #ProudtoServeWithDedication #ProudtoServeWithDiscipline #MakaDiyosMakaTaoAtMakabansa #MaramingPulisNaMagiting #PulisAkoKakampiMo.

Hensie Zinampan Facebook post about good cops

Tila kinain ni Zapinan ang kanyang sariling salita dahil makalipas lamang ang limang buwan, siya naman ang brutal na pumaslang sa isang walang labang sibilyan.

Kaya kinukutya at kinokondena ngayon ng lahat ng mga nakapanood sa video ng pagpatay niya kay Valdez ang Facebook post niyang ito na burado na ngayon.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Itinanggi ni Police Master Sergeant Hensie Zinampan ang pagbaril sa kapitbahay niyang si Lilybeth Valdez, 52, kahit na kitang-kita sa video ang ginawa niyang krimen.
PHOTO/S: Screen grab from Unang Balita
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results